top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Heneral Kalentong vs.Union Bell sa Triple Crown MMCI

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 19, 2020
  • 1 min read

ni Ding Taboy - @Renda at Latigo | November 19, 2020



Habang palapit nang palapit ang laban sa final leg ng Triple Crown malakas ang ugong na maglalaban ang magkapatid na Heneral Kalentong at Union Bell.


Sa darating na Nobyembre 29 magaganap ang 3rd Leg Triple Crown sa Metro Manila Turf Club Inc.(MMTCI),Malvar,Batangas. Ang Heneral Kalentong at Uniom Bell ay magkapatid sa amang Union Rags (USA).


Ang Heneral Kalentong ay ipinanganak sa inahin ng Lorinda (USA) samantalang ang Union Bell ay sa inahin ng Tocqueville. Ang Union Bell ay itinanghal na Juvenile Champion noong 2019 at nakuha rin nito ang korona sa Philtobo 2 year old noong 2019.


Hinulaan ang Union Bell ang siyang magiging kampeon sa Triple Crown subalit nahinto sa pagtakbo nang suspendihin ang karera dahil sa lockdown sa pananalasa ng COVID-19. Nang maganap ang 1st Leg Triple Crown Stakes Race, hindi nakatakbo kaya nagwagi ang kapatid na Heneral Kalentong.


Sa unang yugto ng Triple Crown hugandong nanalo ang Heneral Kalentong na ginanap sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite. Ganundin ang nangyari sa 2nd Leg Triple Crown sa Philippine Racing Club Inc.(PRCI) sa Naic,Cavite nang talunin ang mga kalahok.


Ngayon magaganap ang 3rd Leg Triple Crown maraming umaasa na masisilayan nila ang laban ng magkapatid sa ama.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page