top of page

Heneral Kalentong, nanalo sa 2nd Leg Triple Crown

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 2, 2020
  • 1 min read

ni Ding Taboy - @Renda at Latigo | November 2, 2020



Sa ikalawang pagkakataon muling nagwagi ang Heneral Kalentong matapos pakainin ng alikabok ang mga kalaban sa ikalawang yugto ng Triple Crown sa Santa Ana Leisure Park, Naic, Cavite nitong Sabado ng hapon.


Naorasan sa bilis na 1:50.4 sa distansiyang 1,800 meters ang Heneral Kalentong na tumanggap ng halagang P1.8 milyon. Pumangalawa ang Runway, na nagkamit ng pangalawang premyo na P675,000 at P375,000 sa pumangatlong Tifosi at pumang-apat ang Prime Time Magic na tumanggap ng P150,000.

Sa umpisa ng karera kinuha ang unahan ng Runaway habang nakabuntot ang Heneral Kalentong at Prime Time Magic. Bago sumapit sa huling likuan agad nagparemate ang Heneral Kalentong at dito ay inabutan ang banderang Runway at tuluyang lumayo ng may limang kabayo ang alaga ni Benjamin Abalos Sr.


Ang Heneral Kalentong, naghihintay sa 3rd Leg na nakatakdang gawin ngayong buwan ng Nobyembre na kumita nang P3.6-M. Sa pagkakapanalo ng Heneral Kalentong ay bunga ng mahusay na pagdadala ng hinete na si Jockey Jessie B. Guce. Tinanggap din ni Benjar Abalos Jr. ang P70,000 bilang horse breeder ni Heneral Kalentong.


Nagwagi ang Sky Shot sa 2020 Philracom Hopeful Stakes Race matapos tapusin nito ang karera ng banderang tapos at itinanghal naman na kampeon ang Super Shelltex sa 3 year old Locally Bred.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page