top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Heneral Agueda markado sa 2-YO Maiden Race

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 11, 2021
1 min read

ni Green Lantern - @Renda at Latigo | December 11, 2021



Siyam na kapana-panabik na karera ang ilalarga ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) ngayong Sabado.


Bakbakan agad ang mga bagitong kabayo ang masisilayan ng mga karerista sa unang karera, may anim na kabayo ang kalahok sa 2-Year-Old Maiden Race sa distansiyang 1,200 meters.


Markado ng ibang karerista ang kabayo ni Benjamin Abalos na si Heneral Agueda, sasakyan ito ni jockey EA Abrea.


Ang ibang kalahok sa event na inisponsoran ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon ay sina Created, Little Ms. Saturday, Dona Chichay at magka-kuwadrang Asik Asik Falls at Malcapuya Island.


"Magandang laban 'yang mga batang kabayo, makikita natin kung sino ang pang stakes race," saad ni Victor Castillo, karerista.


Nakalaan sa karera ang added prize na P20,000 na kukubrahin ng winning horse owner.


Mag-uunahan ang pitong kabayo sa Condition Race (19) at posibleng makakuha ng malaking suporta sa mga karerista ay si Early Bird. Rerendahan ni Jessie B. Guce, makakalaban ni Early Bird sina Riding The Tiger, Jacqueline, Tool Of Choice, Messi, Gil's Magic at Storm Bell.


May distansyang 1,200 meter race ang karera na ilalarga sa pangalawang karera. Nakalaan ang added prize na P30,000 sa mananalo.


Target din ng mga karerista ang carry over sa pentafecta sa mismong race na tatakbuhan ni Early Bird at ni Riding The Tiger. Ang carry over ay P11,418.36, habang sa Race 3 ay may CO din na P2,290.59 sa SUPER 6.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page