top of page
WINNER - SEN. ROBIN, IPINAGDIINANG DDS SI JOSHUA-FB Robin Padilla.jpg

Heat, swak na sa East Finals; isa pa sa Grizzlies at Suns

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 28, 2022
  • 2 min read

ni Anthony E. Servinio - @Sports | April 28, 2022



Pasok na sa Eastern Conference semifinals ang numero unong Miami Heat matapos iligpit ang Atlanta Hawks sa Game 5 ng seryeng best-of-seven, 97-94, sa NBA Playoffs kahapon sa FTX Arena. Sa Western Conference, isang tagumpay na lang ang kailangan ng Memphis Grizzlies at numero unong Phoenix Suns matapos manaig sa kanilang mga hiwalay na Game 5.


Sa gitna ng mahigpit na depensa kay Trae Young, pumalag ang kanyang mga kakampi at binura ang 67-52 lamang ng Heat sa 3rd quarter at naging tatlo na lang ang agwat sa huling minuto, 97-94. Mula roon ay depensa muli ang nagsalba sa Miami at inagaw ni Bam Adebayo ang bola kay Danilo Gallinari bago ito makatira ng 3-points na may isang segundo sa orasan.


Matapos lumiban sa unang 3 laro ng serye, nagsabog ng pito ng kanyang 23 puntos sa 4th quarter si Victor Oladipo para sa Heat upang takpan ang pagkawala ni Jimmy Butler dahil maga ang tuhod. Sumunod si Adebayo na may 20 puntos at 11 rebound at maghahanda na ang Heat na harapin ang Philadelphia 76ers o Toronto Raptors sa susunod na serye.


Pinatunayan ni Ja Morant ng Grizzlies kung bakit siya ang 2022 Most Improved Player at lumipad para sa nagpapanalong 2 puntos na may isang segundong nalalabi laban sa Minnesota Timberwolves, 111-109. Gumawa si Morant ng 18 puntos sa huling 9 na minuto kung saan bumangon ang Memphis mula sa 92-79 lamang ng Timberwolves.


Nagsumite ng 30 puntos, 13 rebound at 9 na assist si Morant habang 25 puntos si Desmond Bane. Nanguna sa Minnesota si Karl-Anthony Towns na may 28 puntos. Hindi pinaporma ng Suns ang bisitang New Orleans Hornets, 112-97, sa likod ng mainit na nilaro ni Mikal Bridges. Naglaan pa ng lakas ang Suns at hindi na pinapuntos ang Pelicans sa last 2 minutes. Sisikapin ng Milwaukee Bucks na tapusin ang serye sa Game 5 ngayong araw laban sa bisitang Chicago Bulls.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page