top of page
Search
BULGAR

Heat stroke at summer diseases iwasan, mahalin ang life!

ni Imee Marcos - @Imeesolusyon | April 26, 2024



Imeesolusyon ni Imee Marcos


Lalo pang tumindi ang init ng panahon, at kamakailan lang pumalo sa 42 degrees sa Metro Manila at noong isang araw sa Zamboanga naman pumalo sa 45 degrees. Grabe to the max ang init.


Oy ah aking mga friendship at sa ating mga lolo at lola, gayundin sa ating mga madaling ma-highblood na mga friendship, abah, abah, mag-iingat po, ah!


Ayon sa pagtaya ng PAGASA, posible pang umabot sa 52 degrees ang temperatura pagpasok ng Mayo ha! Hay naku, juicekolord! Katakot.


Lalo na sa mga heat stroke, at iba pang mga sakit na dahil sa init ng panahon o summer diseases, gaya ng sore eyes, oy ha ‘yung may skin asthma, ihanda ang mga gamot na cream. 


Nitong mga nakaraang araw, umabot sa 31 ang lugar na nakita ng PAGASA na nasa dangerous heat index na may temperaturang mula 42 degrees Celsius hanggang 45 degrees Celsius.


Reminder mga friendship sa mga lugar na ang temperature ay mula 42 degrees hanggang 51 degrees na prone kayo sa heat stroke at heat exhaustion.


Kaya naman ‘yung mga nakakaranas ng mga ganitong sintomas narito ang mga IMEEsolusyon: Una, pumunta kayo sa mga malilim at malamig na lugar na may bentilasyon, alisin ang damit ng nakakaranas ng exhaustion, lagyan ng cold compress, ice packs, painumin ng malamig na tubig,  o dampian ng malamig na face towel sa ulo, sa mukha, sa leeg, kili-kili sa mga braso sa mga paa at singit.


Kapag nawalan ng malay, paamuyin muna ng ammonia, ‘pag bahagyang nagkamalay saka pasipsipin paunti-unti ng tubig at isugod  na sa pinakamalapit na ospital.


IMEEsolusyon naman para maiwasang ma-heat stroke, limitahan ang oras sa labas, uminom ng maraming tubig, umiwas sa pag-inom ng mga tsaa, kape, soda at alak.


Magsuot naman ng sumbrero, magpayong at mga sleeveless o maluluwag na damit.

Mga sis at bro, ‘wag balewalain ang init ng panahon ngayong El Nino ha, mahalin natin ang ating life! Agree?


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page