HEART, TANGGAP NANG 'DI NA SILA MAGKAKAANAK NI SEN. CHIZ
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | May 21, 2023

Kapag ang topic noon ay tungkol sa kanyang hindi pagbubuntis, super sensitive at napipikon si Heart Evangelista. Feeling niya, malaking kakulangan sa kanyang pagkatao ang hindi pagkakaroon ng anak.
'Yun kasi ang ine-expect ng lahat matapos nilang magpakasal ni Sen. Chiz Escudero.
Kaso nga, 'di sila pinalad dahil nagkaroon ng miscarriage si Heart. Labis niya itong dinamdam.
Ganunpaman, nagawa ni Heart na tanggapin na hindi magiging madali ang pangarap niyang magkaanak. Sa halip na ma-depressed ay naging abala siya sa mga fashion events sa New York at Paris na kanyang dinaluhan.
Career move ito para kay Heart at nagsilbi na ring therapy upang makalimutan ang nangyari sa naudlot niyang pagbubuntis.
Ngayon ay wala nang pressure sa kanyang balikat at masaya naman sila ngayon ni Sen. Chiz Escudero.





Comments