top of page
TALKIES - MAYOR VICO, UMAMING NEVER NAISIP MAG-SHOWBI-IG _vicosotto.jpg

HEART, NO SHOWING SA WEDDING NI LOVI, FRIENDSHIP OVER NA RAW

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 2, 2023
  • 2 min read

ni Beth Gelena @Bulgary Files | September 2, 2023



Hindi naka-attend si Heart Evangelista sa wedding ni Lovi Poe dahil mas pinili nitong manatili sa tabi ng amang maysakit.


Alam naman ng lahat na mag-BFF ang dalawa. Kaya’t may lumabas sa TikTok na isang larawan kung saan makikitang ikinakasal si Lovi sa kanyang British partner na si Monty Blencowe at ang nakasulat dito ay, “Lovi at Heart, hindi na BFF.”


Talagang hinaluan na ng ibang kulay ang ‘di niya pagsipot sa kasal ng matalik na kaibigan sa United Kingdom. Kaya, hindi na nakapagpigil pa si Heart at sinagot na ang pang-iintriga sa kanila ni Lovi ng mga netizens.


Aniya, “My dad is in the hospital.”


Kahit na ipinaliwanag na niya kung bakit ‘di siya nakapunta sa kasal ng kaibigan, tila ayaw pa rin silang tantanan ng ilang Marites.


Anila, “I think they had a falling apart din, ‘di ba?”


“Yes, since last year pa.”


“Heart was very vocal before na best friend niya si Lovi. Pero, si Lovi, ‘di ganu’n ang tingin kay Heart kaya nasabi niya na masakit ang ‘friendship breakup’, kasi todo siya magbigay ‘pag close sa kanya.”


“Naalala ko dati sa seryeng Legacy na BFF nga sila. Pero, kung hindi na, ganu’n talaga ang buhay. Si Kathryn (Bernardo) nga, si Miles (Ocampo) ang BFF dati, tapos, naging puro inglesera na.”


“Hindi na sila BFF, mga ateng, matagal na.”


Pero, siyempre, to the rescue naman ang mga fans and supporters ni Heart para ipagtanggol siya laban sa mga maintrigang netizens.


“May mga friends naman na hindi KSP (kulang sa pansin) ang peg, ‘noh!”


“Even Solenn Heussaff and Carla Abellana were there sa wedding ni Heart, but no photos at all.”


“Masyadong atat at assuming ang mga Mosang na ‘to.”


“This is why we need not to come up with speculations agad sa mga bagay-bagay. Lahat, may explanation. I would do the same as Heart.”


“Eh, maysakit nga raw ‘yung tatay. Hayaan na lang natin.”


“Come on, guys, let’s be honest here. Uunahin pa ba ni Heart ang ibang tao more than her own blood? It’s just a friend’s wedding.”


“TMI (too much information). Nainis na siguro sa mga nang-iintriga. Good job, Heart. Pun intended. Get well soon po, Mr. Ongpauco! As if naman mababasa. Lol.”


“Whoever made this tsismis, please have a life. They are still friends and remained friends on/off-screen. Would you be happier at the wedding knowing your father is in the hospital?”


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page