top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

HEART, NIREGALUHAN NG P4.6M ALAHAS SI KANE LIM NG BLING EMPIRE

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 12, 2022
1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | October 12, 2022



Napaka-generous naman palang magregalo ng Kapuso actress na si Heart Evangelista.


Naging kaibigan ni Heart ang Singaporean socialite/actor/businessman na si Kane Lim na isa sa regular cast ng American reality TV series na Bling Empire. Kaya nang maimbitahan ni Kane si Heart para sa isang dinner kasama ang ilang cast ng Bling Empire ay may surprise gift ang aktres para kay Kane.


Labis na ikinagulat ng Singaporean actor-socialite ang regalo ni Heart na Cartier Tennis Platinum necklace na sapphire/diamond-studded worth P4.6 million!


Halos ayaw tanggapin ni Kane Lim ang napakamahal na regalo sa kanya ni Heart Evangelista. Pero nang sabihin ng Kapuso actress na bad luck kapag tumatanggi sa regalo, tinanggap na rin ito ni Kane Lim.


Marami naman ang halos hindi makapaniwala na ganu'n ka-fabulous kung magregalo si Heart sa kaibigang nakilala lang niya sa Milan Fashion Week. Kaya naman pala popular si Heart sa mga dinadaluhang fashion shows sa Milan at New York.


May mga netizens naman ang nagtanong kung ganito rin ba ka-bonggacious magregalo si Heart sa mga kaibigang Pinoy o maski sa sarili niyang pamilya?


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page