top of page
Gerald Anderson, Kim Chiu, Julia Barretto at Bea Alonzo - IG.jpg

HEART, KINABOG SINA PARIS HILTON AT SOKOR ACTOR JUNG HAE-IN

Writer: BULGAR
BULGAR
2 hours ago
2 min read

ni Rohn Romulo @Run Wild | October 7, 2026



Heart Evangelista, Paris Hilton at Jung Hae In - IG

Photo: Heart Evangelista, Paris Hilton at Jung Hae In - IG



Nanguna naman pala bilang Top Celebrity Voice sa New York Fashion Week (NYFW) para sa Spring/Summer 2027 ang Kapuso actress at fashion icon na si Heart Evangelista.


Ayon sa tala ng fashion analytics firm na Launchmetrics, nakakuha si Heart ng $7.6 million o mahigit P475 million Media Impact Value (MIV), na dahilan para maungusan niya ang ilan sa mga sikat sa international entertainment scene.


Kinabog lang naman ni Heart sa ranking sina American personality Paris Hilton, na nakakuha ng $2.5 million o mahigit P156 million, at South Korean actor Jung Hae-In na may $2.3 million o higit P143 million.


Sa overall ranking naman ng top celebrity ‘voices’ sa NYFW, nasa ikatlong puwesto si Heart, kasunod ng Vogue US na may $13.2 million o higit P825 million MIV at Calvin Klein na may $8.6 million o higit P537 million.





2 yrs. old na ang panganay…

RIA, BUNTIS SA 2ND BABY NILA NI ZANJOE



NAKATSIKAHAN namin si Zanjoe Marudo bago ang block screening ng Apol of My Ai (AOMA) na binook ni Sylvia Sanchez sa Gateway Cinema 6 nu’ng Linggo para sa family and friends matapos tanghaling Best Supporting Actor ang mister ni Ria Atayde para sa nasabing pelikula sa Puregold CinePanalo Film Festival noong September 30.


Muli ngang pinatunayan ni Zanjoe sa parangal na ito na hindi lang siya basta leading man material dahil sa bawat karakter na kanyang ginagampanan, lalo niyang pinatutunayan ang kanyang versatility at lalim bilang aktor.


Sa AOMA, naging kapansin-pansin ang pagganap ni Zanjoe bilang Poli, ama ni Apol (Zion Cruz, na nagkamit ng Panalong Child Actor award), na nagbigay ng sariling bigat at emosyon sa pelikula.


Sayang nga lang at hindi personal na natanggap ng aktor ang kanyang award dahil nasa malayo raw siyang lugar para sa taping. At kinabukasan ay may sipon sila ng anak na si Baby Sabino, kaya hindi rin advisable na lumabas.


Ayon pa kay Z (tawag kay Zanjoe), si Direk Jeffrey Jeturian daw ang nagparating sa kanya ng magandang balita. At inamin niyang hindi rin siya makapaniwalang nanalo siya.

Samantala, kamakailan ay nag-two years old na ang anak nila ni Ria Atayde, kaya natanong si Zanjoe kung kailan nila balak sundan si Baby Sabino.


Parang natatawa pang sumagot ang aktor, buntis na pala uli ang kanyang misis at ilang buwan na. Kaya nang huli naming makita ang mag-asawa sa Puregold CinePanalo, ang lusug-lusog na naman ni Ria.


Kaya pala nang tiningnan namin ang aktres nang maganap ang block screening ng pamilya Atayde, may aura talaga siya ng magandang pagdadalantao.


Hindi naman ini-reveal ni Zanjoe kung ilang buwan na ang dinadala ng misis, kaya aabangan na lang next year kung kailan manganganak.


Nang tanungin naman kung ano ang magiging gender ng kapatid ni Baby Sabino, okay lang daw kahit boy or girl basta malusog lang.


For sure, excited na rin sina Papa Art Atayde at Sylvia Sanchez sa pagdating ng ikalawang apo.


Congrats, Zanjoe and Ria!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page