top of page
SHOWBIZ SPECIAL - GARY V., ‘DI UBRANG MAGPA-STEMCELL-IG _garyvalenciano.jpg

HEART, KINABOG NI ATTY. LORNA SA PAGKA-FASHIONISTA

Writer: BULGAR
BULGAR
33 minutes ago
3 min read

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | September 10, 2026



SHEET MATTERS - HEART, KINABOG NI ATTY. LORNA SA PAGKA-FASHIONISTA-IG _iamhearte & FB Circulating

Photo: IG _iamhearte & FB Circulated



Viral sa social media ang outfit of the day o “OOTD” ni Atty. Lorna Kapunan sa tuwing dumadalo siya sa Senate impeachment trial para kay Vice-President (VP) Sara Duterte.


Kakaiba nga naman kasi talaga ang mga pormahan ni Atty. Lorna dahil bago ito sa paningin ng mga nakakakita na kung anong kulay ng suot niyang blazer o palda ay iyon din ang kulay ng branded and collab sneakers niya.



May dahilan ang fearless lawyer kung bakit lagi siyang naka-sneakers, pero ang tawag niya ay rubber shoes.


Base sa panayam sa kanya ng PRTV Manila show na Kwatro Alas, “At my age, the reason why I always use rubber shoes because functional kasi, it’s slip-free, comfortable and kasi ngayon sa age natin, ‘di mo na alam kung is it elevated, is it going up or going down,” paliwanag ng abogada.


Pero nagsimula raw ang pagkagusto niya sa rubber shoes dahil ang limang anak niyang lalaki ay mahilig at lagi siyang isinasama kapag may nakita silang babagay sa kanyang sneakers, na ang ending ay siya rin ang magbabayad sa mga binili ng mga anak.


Lagi raw ganito ang paraan ng mga anak kapag gustong magpabili ng latest brand ng sneakers, na ang ending ay nagustuhan na rin ni Atty. Kapunan hanggang sa naging parte na ito ng kanyang outfit kapag may mga hearing at lakad.


Naaliw kami dahil maraming online show interview kay Atty. Lorna at ang OOTD niya ang laging kasama sa topic, kaya lalo siyang nagte-trending at inaabangan lagi ang suot niya sa lahat ng ganap niya.


Isa pang nakakaaliw ay pinagtabi ang larawan nina Atty. Lorna at Heart Evangelista na parehong nakaporma at may botohan kung sino’ng OOTD ang mas maganda. In fairness, maraming botong nakuha ang abogada.


Cool ang dating sa amin ng pormahan ni Atty. Kapunan at hindi rin masasabing hindi ito appropriate sa hearing dahil unang-una ay naka-blazer at pormal ang suot niya, hindi nga lang ‘yung the usual coat and tie na suot kapag nasa korte.





Mapansin sa Oscars… IBYANG: ‘WAG NA KAMI, ‘YUNG MGA BATA NA LANG



GAGAWAN pala ng docu film ang I’mPerfect na ididirek ni Ditsi Carolino, handog ng Nathan Films.


Ito ang ibinalita ni Sylvia Sanchez nang makapanayam namin siya sa kaarawan ni Ynez Veneracion.


Aniya, “Ang I’m Perfect Docu, ‘yun ang puso ng I’mPerfect movie. Makikita ang hirap nina Krystel Go, Earl Amaba at ng iba pang bida. Tulad ng kapag nagko-collapse sila na sasabihin sa kanila, ‘Pahinga muna, sila naman.’ ‘No, let’s take,’ tapos grabe ang iyakan. Ang I’m Perfect movie, for awareness naman.”


Binanggit ding dadalhin ang docu sa ibang bansa para isali sa iba’t ibang film festivals for competition bago ipalabas sa Pilipinas sa susunod na taon.

Bakit hindi si Sigrid Andrea Bernardo ang nagdirek?


“‘Di kasi s’ya documentary director. Bale ang I’m Perfect Docu, in competition abroad o abroad to Philippines, while ‘yung movie na I’m Perfect, from Phils to abroad,” sabi ng Nathan Studios producer.


Sa susunod na taon ay magkakaroon ng online series at ipapalabas sa TV ang mga batang bida sa I’mPerfect na ididirehe pa rin ni Sigrid Andrea Bernardo na siya ring direktor sa pelikula.


“Ang ganda ng title, ayoko pang ilabas,” tila nang-aasar na sabi ng aktres-producer.

Anyway, panay ang hataw ng I’mPerfect dahil isa ito sa walong pelikulang pinagpipilian na ipadadala bilang entry ng Pilipinas sa prestigious na Academy Awards o Oscars. Bukod dito, ang dalawang lead stars ng pelikula ay nominado sa nalalapit na Gawad Urian – sina Krystel (bilang Best Actress) at Earl (bilang Best Actor).


“‘Yun ‘yung goal ko, na mapansin talaga ‘yung mga bata, ma-nominate, ‘wag na ako, ‘wag na kami, ‘yung mga bata na lang,” sambit ni Ibyang.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page