HEART, IPINAGPE-PRAY NG MGA NETIZENS SA PINAGDARAANAN KAY CHIZ
ni Nitz Miralles - @Bida | September 6, 2022

Kahit hindi pa sinasabi ni Heart Evangelista ang kanyang pinagdaraanan na nai-share niya sa kanyang vlog, marami na ang nagpapadala ng messages na nagpapahayag na mahal nila si Heart.
May nagse-send ng virtual hugs at may pinusuan ang post niyang “Snippets of life...
always grateful for all the amazing adventures” at sinamahan ng photo ng rainbow.
May nag-comment ding ipinagdarasal nila si Heart at may mga kaibigan siyang nag-assure na ready sila to help her kung kailangan niya. May nagpaalala rin kay Heart na “You are loved, always remember that.”
May nagtanong naman kung magreretiro na ba si Heart dahil iba na raw ang mode ng post niya sa social media.
Marami naman sa mga fans ni Heart ang nalulungkot na may pinagdaraanan ito dahil hindi raw sila sanay na makitang malungkot at may problema ang favorite celebrity nila.
Isa sa magagandang comments para kay Heart ay: “I hope you’re taking rest both physically and mentally.” Siguradong nabasa ito ni Heart at isinapuso.





Comments