top of page

Heart, ‘di ka nag-iisa… ALEX, NOT JUST ONCE, 3 BESES NANG NAKUNAN SA BABY NILA NI MIKEE

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 28
  • 3 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Jan. 28, 2025



Photo: Alex Gonzaga at Mikee Morada - IG


Labis na dinamdam ni Alex Gonzaga ang ikatlo niyang miscarriage sa baby sana nila ni Konsehal Mikee Morada. Gustung-gusto pa naman ni Alex na magkaanak na. Inggit na inggit siya sa kanyang Ate Toni Gonzaga na dalawa na ang anak. 


Well, tuwang-tuwa si Alex kapag nilalaro si Baby Polly at tinatawag siyang “Tata”. Kaya panay ang dasal niya na sana ay bigyan na rin sila ni Mikee ng kanilang “little angel” na kukumpleto sa kanilang pamilya.


Ngunit sadyang mailap pa rin at hindi mabuo-buo ang kanilang baby. Kahit anong ingat ni Alex sa unang trimester ng kanyang pagbubuntis ay nauudlot ito at hindi natutuloy. 

Marami ang nag-a-advise kay Alex na total bedrest ang kailangan niya. Kaya dapat ay pahinga na rin muna siya sa kanyang pagba-vlog. Hindi rin siya dapat madalas na nag-iisip at nai-stress.


Kailangan ding magpaalaga na siya sa kanyang OB-Gyne para matulungan na matuloy ang kanyang pagbubuntis. 


Pareho na sila ng kapalaran ni Heart Evangelista na laging nakukunan ‘pag nagbubuntis. 

Well, sa halip na ma-frustrate at malungkot si Alex, kalmahin niya ang sarili at isipin na darating ang kanyang baby sa tamang panahon.


Samantala, nagbigay naman ng assurance ang kanyang mister na si Mikee Morada na kahit wala pa silang anak ay hindi magbabago ang pagmamahal niya kay Alex. At maghihintay sila kung kailan ibibigay sa kanila ang kanilang baby.  


Kasamang young actress, ‘di raw dyowa…

JAK, ‘DI BABAE ANG IPINALIT KAY BARBIE PARA MAKA-MOVE ON



Recently, may lumabas sa socmed (social media) na larawan ni Jak Roberto na may kasamang maganda, sexy at batambatang baguhang artista. May caption pa na ang naturang baguhang artista raw ang ipinalit ni Jak kay Barbie. 


Pero, hindi ito pinaniwalaan ng mga netizens, lalo na ng mga fans ni Barbie. Hindi raw ganoon kadali ang pagpapalit ng nobya, lalo na’t seven years na naging magkarelasyon ang dalawa.


Besides, nagsalita na rin ang young star na nali-link kay Jak na walang katotohanan ang tsismis sa kanila ng ex ni Barbie. Kuya lang daw ang turing niya sa aktor, at malayo ang agwat ng kanilang edad, kaya hindi na rin pinag-interesan ng publiko na pansinin at bigyan ng panahon ang tungkol sa babaeng nauugnay ngayon kay Jak Roberto.  


Sa pagkakaalam ng mga kaibigan ni Jak ay sa kanyang mga hobbies at sports nagpapakaabala ngayon ang Kapuso actor. Ito ang paraan niya upang pansamantalang makalimutan ang breakup nila ni Barbie Forteza.  


Mula nang maging misis ni Arjo… MAINE, ‘DI NA NAG-LEVEL-UP BILANG HOST NG EB!



NAGREREKLAMO at umaapela ang mga tagahanga ni Maine Mendoza kung bakit parang nakakahon na lamang ito bilang host ng Eat… Bulaga! (EB). Bakit daw hindi siya bigyan ng sitcom o serye gayung nakakaarte naman si Maine? 


Kahit hindi na si Alden Richards ang kapareha, basta mabigyan ng chance na maipakita pa niya ang iba pa niyang talent bukod sa hosting.


Choice kaya ni Maine Mendoza na ‘wag tumanggap ng mga projects mula nang magpakasal kay Cong. Arjo Atayde? Desisyon ba ni Maine na bigyan ng sapat na panahon ang kanyang pagiging maybahay? 


Sapat na ba sa kanya ang exposure niya sa EB! kahit payag naman ang kanyang mister na ipagpatuloy ni Maine ang kanyang career?  


Well, nanghihinayang lang naman ang mga loyal fans ni Maine Mendoza sa mga oportunidad niya upang mag-level-up ang kanyang status bilang artist. Hindi pa naman niya iiwan ang showbiz dahil masaya siya sa kanyang ginagawa.  


Pumasa kina Carmina, Vina at Manilyn…

KEEMPEE, 3 BESES BINASTED NI SUNSHINE 


MARAMING Kapuso actresses ang na-link at niligawan ni Keempee de Leon noong kanyang kabataan. Medyo chickboy kasi siya noon, pero hindi naman nagpakasal sa sinuman sa kanyang mga nakarelasyon. 


Na-link noon si Keempee kina Donna Cruz, Ara Mina, Ina Raymundo, Bernadette Allyson, Valeen Montenegro, atbp..


Sa guesting ni Keempee sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA), inamin niyang naging GF niya si Carmina Villarroel at two years tumagal ang kanilang relasyon. Si Vina Morales ay mahigit 1 taon niyang naging nobya. Si Manilyn Reynes ang pinaka-short term na tumagal lang ng 4 months.  


Ganunpaman, naging friends naman ni Keempee ang kanyang mga ex-GFs, pati ang kanyang mga niligawan. Tatlong beses daw siyang binasted noon ni Sunshine Cruz. 

May naging nobya siyang non-showbiz, pero hindi niya ito inilantad sa publiko, hindi rin naman sila nagpakasal.  


Samantala, walang update si Keempee kung may love life siya ngayon. Pero ang magandang nangyari sa kanyang buhay sa pagpasok ng 2025 ay bumabalik na ang sigla ng kanyang career, at naayos na rin ang gap at tampo niya sa kanyang dad na si Joey de Leon at mom na si Daria Ramirez. Napatawad na rin niya ang mga taong nanakit sa kanyang damdamin.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page