HEART AT VICE, NAGDEDMAHAN SA CONCERT NI YENG
- BULGAR

- 23 hours ago
- 4 min read
by Janiz Navida @Showbiz Special | September 1, 2026

Photo: FB Circulated
Pinagpipiyestahan ngayon ng mga Marites sa social media ang viral video kung saan kapansin-pansin daw ang pagdededmahan nina Heart Evangelista at Vice Ganda sa katatapos lang na concert ni Yeng Constantino na Biyaheng Bente.
Halos isang dipa o dalawang tao lang ang pagitan nina Vice at Heart at mapapansing todo-beso ang Unkabogable Star sa mga kakilalang katabi niya. Pero kahit nga obyus na napatingin kay Vice si Heart, hindi nakitang naglapit at nagpansinan ang dalawa.
Well, may backstory naman kasi kung totoong nagdedmahan nga sila.
Just to refresh your memory, last October, 2025 ay umingay at naging isyu rin sa mga fans ni Heart ang pag-call out at pagdamay ni Vice sa pangalan ng aktres nang sabihin niya sa It’s Showtime na bumisita siya at nag-donate ng reading materials at cash para maipagawa ang ‘bulok’ na iskul sa probinsiya ng misis ni Sen. Chiz Escudero.
Walang narinig na pahayag o sagot mula kay Heart that time, pero ang personal assistant nitong si Resty Rosell ang rumesbak kay Vice sa social media at nagsabing kung makapagmalaki naman daw ang Unkabogable Star ng naitulong nito sa sinasabing eskuwelahan sa Sorsogon ay parang ito na ang nagpatayo ng building, samantalang nasa P67K lang naman daw ang cash na idinoneyt ni Vice.
Kinuwestiyon din ng assistant ng aktres ang motibo ni Vice sa pagdamay kay Heart samantalang ang Department of Education daw ang may dapat panagutan sa mga kakulangan sa naturang public school, maging ang ilang pulitikong nahalal, at hindi ang misis ni Sen. Chiz na wala naman daw kinalaman sa ‘bulok’ na paaralan.
Kaya naman ngayong ‘Kapuso’ na rin si Vice Ganda dahil sa GMA-7 eere ngayong September ang nagbabalik na show niyang Gandang Gabi Vice o GGV, mukhang dalawang Kapuso na ang malabong mapanood na magge-guest sa kanyang show.
Remember, hindi pa rin sila okay ni Ms. Jessica Soho at chika nga sa amin ng ilang insiders, malalim talaga ang naging sugat sa puso ng offensive joke ni Meme Vice, kaya hindi pa ito mapatawad hanggang ngayon ng respected TV host-broadcast journalist.
At ngayon nga, pati pala si Heart Evangelista?!
HINDI pagmamayabang kundi inspirasyon ang gustong iparating ng host ng GMA-7’s upcoming TV show na Barangay Love Stories TV na si Papa Dudut nang i-share nito sa ilang few press people ang kuwento kung bakit marami siyang sasakyan.
“Lahat ng sasakyan ko, puti. Nakabili na ako ng Fortuner, nakabili na ako ng Hi-Lux, nakabili na ako ng Land Cruiser. Meron din kaming motor,” chika ni Papa Dudut o Rensmark Jairuz Ricafrente in real life.
Forty-five years old pa lang ang sikat na DJ-host ng Barangay Love Stories radio program, na starting on Sept. 12 ay mapapanood na rin sa TV dahil ang show nga niya ang papalit sa long-time running na Wish Ko Lang at 4 PM.
Pero at his age now, masasabing established na si Papa Dudut dahil bukod nga sa nakabili na ito ng farm sa Quezon (ikorek lang namin ang una naming naisulat na Lucena City, kung saan may lupa rin pala siyang nabili rito na balak niyang patayuan ng resort), at ngayon ay may bago ring nabiling building sa San Jose Del Monte, Bulacan, may negosyo at koleksiyon din ng iba’t ibang sasakyan ang sikat na DJ.
At ang kuwento kung bakit nahilig siyang bumili ng sasakyan?
“Kasi nu’ng bata pa kami, ang nanay ko, nabalitaan niyang ‘yung kaibigan nila, pupunta ng Lucena. Sabi ng nanay ko, ‘Baka puwede kaming sumabay kasi pupunta rin kami ng Lucena.’ ‘Ay, hindi, hindi kami pupunta ng Lucena. Nagbago ‘yung isip namin,’ sabi ng tao na ‘yun. Only to find out, nagkita-kita kami sa Lucena,” kuwento ni Papa Dudut.
Kaya nu’ng nalaman daw niya ang istoryang ‘yun, sinabi niya sa sariling bibili siya ng maraming sasakyan. Kaya bukod sa mga nabanggit sa itaas, nakabili rin daw siya ng 14-feet na truck, Travis at meron siyang acquired na 7 parking space.
Biro pa niya, “Kapitbahay pa rin namin ‘yun (‘yung tumangging magpasakay sa nanay niya), pero mas mayaman na ako sa kanya,” sabay tawa.
Napaka-inspiring ng life story ni Papa Dudut, na 2 yrs. old pa lang daw siya nang malunod sa dagat ang tatay niyang pulis dahil may bagyo nu’ng time na ‘yun. Naiwan sila ng bunso niyang kapatid sa kanilang ina na nagtaguyod sa kanilang pag-aaral.
After 10 yrs. daw mula nang mabiyuda ang nanay niya, saka ito nagkaroon ng bagong partner na isa ring pulis, kung saan nagkaroon siya ng 2 pang kapatid.
Nakita raw ni Papa Dudut ang paghihirap ng kanyang ina kaya nagsumikap siyang mabigyan ito ng magandang buhay at ngayon ngang pinagpapala siya, ang nanay niya ang nagma-manage sa kanyang 9-hectare farm sa Quezon.
Naging mabuting anak at padre de familia si Papa Dudut, kaya no wonder na blessed na blessed siya ngayon.
‘Di lang underarm ang problema…
GUWAPONG AKTOR, UMAGANG-UMAGA PA LANG, AMOY-BAKTOL NA, PINANDIRIHAN NANG MAG-SWIMMING SA HOTEL
BLIND ITEM:
PARANG kinikilabutan pa ang aming source habang inaalala ang kuwento ng encounter niya sa isang guwapong aktor na may matinding amoy ang katawan, as in “baktol”.
Nagkasabay daw kasing nag-check-in sa isang five-star hotel sa probinsiya sa Norte several years ago na ang guwapong aktor at ang aming source.
Iba pa ang girlfriend that time ng guwapong aktor, isang magandang aktres na ngayon ay may asawa na.
Chika ng source, magkatapat ang room nila sa ground floor ng hotel ng guwapong aktor. Umagang-umaga, nagkasabay silang lumabas ng hotel room nila, nauna lang naglakad sa hallway ang aktor at GF nito.
Sa hallway pa lang daw, naamoy na ng source at mga anak nito ang maasim na katawan ng aktor. Hindi naman daw pawisan ang aktor lalo’t mukhang kagigising lang, kaya nakapagtataka kung bakit ganu’n ang amoy ng katawan nito.
Imposibleng hindi raw naaamoy ng GF nito ang ‘baktol’ ng aktor, pero dedma na lang siguro ang girl.
Sa breakfast buffet, halos magkatabi rin ang table ng aktor at GF nito at ng source, kaya
amoy na amoy pa rin ng huli ang baho ng aktor.
After breakfast, magsu-swimming daw sana ang aming source at mga anak nito, pero nakita nilang biglang tumalon ang aktor sa pool ng hotel nang hindi nagsa-shower.
Kaya imbes mag-swimming, umalis na lang ang mag-iina, habang ang GF ng aktor, nasa isang tabi lang at hindi rin nag-swimming.
Sabi pa ng source, hindi lang ang underarm ng aktor ang may amoy kundi ang mismong singaw na ng katawan nito.
Eh, baka kasi may lahi ang aktor kaya ganu’n?! Malamang!






Comments