top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Health workers ng gobyerno ang nagpo-protesta, ‘di health workers ng private hospitals!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 28, 2020
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | November 28, 2020



MALING PAGBANTAAN NA TATANGGALAN NG PONDO ANG UP KASI PA-ISKOLAR SILA NG BAYAN, HINDI ISKOLAR NI P-DUTERTE—Hanggang ngayon ay tuloy pa rin ang pambabatikos kay P-Duterte sa social media dahil sa banta niyang tatanggalan ng pondo ang University of the Philippines (UP) dahil sa madalas na pambabatikos sa mga maling polisiya ng kanyang gobyerno.


Kung sinuman ang nagpayo kay P-Duterte na pagbantaan nang ganyan ang mga taga-UP, dapat kutusan ng Pangulo kasi batikos talaga aabutin niya, dahil ang mga iskolar ng bayan ay hindi iskolar ng pangulo, kundi iskolar ng bayan, period!


◘◘◘


“AWAY-PERA” SA KONGRESO—Noong si Taguig City Rep. Alan Cayetano pa ang bossing ng Kongreso, inaaway siya ng mga kapwa niya mambabatas na kaalyado ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco kasi hindi raw ito patas sa pamamahagi ng pork barrel, este, pang-projects sa mga kongresista, at ngayong si Velasco na ang speaker, siya naman ang inaaway ng mga congressman sa pamumuno ni Cayetano dahil hindi rin daw patas ito sa pamimigay ng pang-projects.


Sa isyung ito, hindi maitatanggi sa publiko, na ang madalas pag-awayan ng mga “lingkod-bayan” sa Kongreso, “away-pera”, mga buwisit!


◘◘◘


HEALTH WORKERS NG GOBYERNO ANG NAGPO-PROTESTA, HINDI HEALTH WORKERS NG MGA PRIVATE HOSPITALS—Sabi ni Sec. Silvestre Bello III ng Department of Labor and Employment (DOLE), inudyukan na raw niya ang mga health workers ng mga pribadong hospital na magprotesta dahil maliit lang ang pinangsusuweldo sa kanila.


Aba, teka, bakit iniiba ni Bello ang kuwento, eh, hindi naman health workers ng mga private hospitals ang mga nagrereklamo, kundi ang mga health workers ng gobyerno dahil hanggang ngayon ay hindi pa ibinibigay ang pangako sa kanilang hazard pay at risk allowance, period!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page