top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Health workers, hindi lang sa COVID-19 delikado, pati sa bala!

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 12, 2021
2 min read

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | April 12, 2021



VIP PALA ANG MGA TAGA-MALACAŃANG KAPAG NAGKA-COVID KASI TANGGAP AGAD SA OSPITAL--Hindi lang si Presidential spokesman Harry Roque ang nakatikim ng batikos sa publiko, kundi pati ang Duterte gov't. dahil sa post niya sa social media na siya ay nagka-COVID-19 ulit at kasalukuyan na raw siyang nagpapagamot sa ospital.


Batikos talaga ang aabutin kasi punuan na ang mga ospital sa mga pasyenteng may COVID-19, at ang iba ay hindi na ma-admit at namamatay na lang sa labas ng mga pagamutan, tapos sa post ni Roque ay parang ibinibida pa nitong silang mga taga-Malacañang ay VIP sa gitna ng pandemya, na ang sinumang magkaka-COVID sa kanila ay tatanggapin agad sa mga pagamutan para gamutin, buwisit!


◘◘◘


SA SOBRANG PAGPAPABIDA NI BADOY, PATI ANG MGA HEALTH WORKERS NI-RED-TAGGED--Tila nabuwisit si National Task Force-End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) spokesperson, PCOO (Presidential Communication Operations Office) Usec. Lorraine Badoy sa ibinulgar ng mga health workers na hindi pa naibibigay ng pamahalaan ang pangako sa kanilang mga karagdagang benepisyo ngayong panahon ng COVID-19 pandemic kung kaya't ni-red-tagged niya at inakusahang front ng komunista ang Alliance of Health Workers (AHW).


Masyado namang magpabida kay P-Duterte si Badoy kasi mantakin n'yo, pati asosasyon ng mga health workers na frontliners ng bayan sa laban kontra COVID-19, eh ni-red tagged niya, buwisit!


◘◘◘


DAHIL SA PAG-RED TAGGED NI BADOY, HINDI LANG SA COVID DELIKADO ANG MGA HEALTH WORKERS, KUNDI PATI SA BALA NG MGA VIGILANTE--Ikinabahala ng mga health workers ang akusasyon na sila ay mga komunista kaya't hiniling nila sa Civil Service Commission (CSC) at Ombudsman na imbestigahan at sampahan ng kaso si Badoy kasi labag sa "Code of Conduct and Ethical Standards for Government Officials and Employees" ang inaasal ng public official na ito.


Dapat aksiyunan agad ng CSC at Ombudsman ang reklamo ng AHW kasi sa totoo lang dahil sa pag-red-tagged sa kanila ni Badoy ay hindi lang sa coronavirus nalalagay sa panganib ang buhay ng mga health workers, kundi pati sa bala ng mga vigilante na galit sa mga komunista, period!


◘◘◘


DND AT AFP, MATAPANG SA ABS-CBN, TIKLOP SA CHINA COAST GUARD--Imbes na sa China Coast Guard (CCG) magalit ang Department of National Defense (DND) at AFP (Armed Forces of the Philippines) dahil sa pagtugis at pagtaboy nito sa news team ng ABS-CBN na nagsasagawa ng coverage sa karagatang sakop ng Pilipinas sa Julian Felipe Reef ay sa mga mamamahayag pa nagpapakita ng galit ang DND at AFP na kesyo nakakadagag pa raw ng tensiyon ang pag-cover ng mga mamamahayag sa lugar.


'Yan ang DND at AFP, matapang sa ABS-CBN, tiklop sa China Coast Guard, boom!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page