HD Spikers, pinatalsik ang Flying Titans sa PVL
ni Gerard Arce - @Sports | November 23, 2022

Sumagap ng mataas at malinaw na laro ang Cignal HD Spikers upang patalsikin ang Choco Mucho Flying Titans sa bisa ng 4th set panalo sa 17-25, 25-22, 25-18, 25-14, kahapon sa huling araw ng eliminasyon ng 2022 Premier Volleyball League (PVL) Reinforced Conference sa Philsports Arena sa Pasig City.
Naging mabisa mula sa bench ang kanilang American import Tai Bierria upang umabante patungo sa semis matapos humataw ito ng kabuuang 18 puntos mula sa 14-of-40 atake at apat na blocks, kasama ng 11 digs at tatlong excellent receptions katulong sina Frances Molina na bumanat ng 13 pts (12 atake) at siyam digs, Roselyn Doria na may 9 puntos at Ria Meneses na may 8 puntos.
“I think it start in practice, we have really had a long practices and I think it really help us having this type of games and just being able to came off the bench, we have so many pieces that we can use to,” wika ng 6-foot-1 opposite spiker na si Bierria matapos ang laro “It’s with the ups to downs and how we work out to the season, to be here is a blessing and we have to keep it out.”
Matapos yumuko sa unang set sa kakulangan ng inilabas na atake, gumanti ang HD Spikers sa magkasunod na set na buo ang loob ata maingat sa bawat binibitawang hataw.
Ramdam din ng Choco Mucho ang pagkawala sa third set ni Kat Tolentino at Des Cheng dahil sa magkahiwalay na injuries.
Muling tatapusin ng Flying Titans ang kanilang kampanya ng hindi nakakapasok ng semifinals sa ikalawang sunod na kumperensiya ng tumapos ito sa 7th place sa Invitational Conference, habang tumapos ito sa 4th place sa Open Conference ng matalo sa Cignal sa battle-for-third place.





Comments