Hawak-kamay habang naglalakad… ANAK NG MAY-ARI NG PUREGOLD, BAGONG DYOWA NI BEA
- BULGAR

- May 6, 2025
- 3 min read
ni Nitz Miralles @Bida | May 6, 2025
Photo: Bea Alonzo - IG
Konti lang ang bitter comment sa balitang nali-link si Bea Alonzo sa businessman na si Ferdinand Vincent Co, president ng Puregold Price Club, Inc. at eldest son ng owner ng Puregold na sina Lucio at Susan Co.
In fact, hindi lang daw nali-link ang dalawa dahil couple na sila at makikita sa photo na magka-holding hands sila habang naglalakad.
Soft launch daw ang paglabas ng photos ng dalawa na kahit sa private account ng guy
naka-post ay lumabas pa rin, naging public at nakarating sa media.
Mababasa ang mga comments na happy sila kay Bea, na bagay ang dalawa. Si Vincent daw ang ini-imagine nilang guy for the actress, sucessful businessman at non-showbiz.
Kung hindi lumabas ang photos nila, hindi malalaman na may Vincent pala sa buhay ni Bea.
Ang mga bitter comments ay si Bea raw ang nag-post ng photos nila ni Vincent, gayung malinaw ang nakasulat na galing sa private IG account ng guy ang photos. May followers ito na siyang nag-leak ng photos. Natuwa siguro at kinilig din, kaya ‘yun, inilabas.
May comment pa na mahilig mag-soft launch si Bea ng kanyang relasyon at ni-like pa raw nito ang sariling post. Ayun, inaway tuloy siya at sinabihang mahina ang reading comprehension. Ang guy nga ang nag-post ng photo, may naglabas lang sa mga followers niya sa IG.
May nagsabi namang kaya nasa Spain si Bea ay dahil nag-photoshoot para sa business niyang Bash, sinamahan siya ni Vincent at ilang kaibigan.
Ayan, malinaw, hindi bakasyon ang travel ng aktres, para sa travel accessory business niya at hindi niya kasalanan kung sinamahan siya ni Vincent at may photo silang magka-holding hands while walking.
All in all, marami ang masaya na may love life na uli si Bea at hindi puro career at business ang laging nasusulat sa kanya. Natawa lang kami sa comment na, “Suwerte ng magiging mga anak at kaapu-apuhan nila.”
Dahil ito sa mayaman nga ang pamilya Co.
NAI-SHARE ni K Brosas ang pagbisita niya kay Kris Aquino at maganda ang kanyang ibinalita.
Sa ipinost na photo ni K, makikitang nakahiga sa bed si Kris at si Bimb ang kanyang katabi sa larawan.
Kuwento niya, “At last nakapunta na kay gorgw @krisaquino... kahit medyo mahina at masama pakiramdam n’ya super chika galore tulad lang ng dati... infer (in fairness) medyo nag-gain na s’ya nang konting weight... nakaka-miss ang KRISTV haaay... sana po tuloy lang natin dasal para sa recovery n’ya... at sobrang nakaka-proud ka! Halos buong araw kami magkasama kahapon, nakakatuwa na makita s’ya na binata na at sobrang sweet, bait, napaka-gentleman at super humble... see you, guys uli soon. Lablablab!”
Sa mga comments sa post ni K, ipinarating ng kanyang mga followers na tuloy ang kanilang dasal para gumaling na si Kris, hindi lang para sa kanya, kundi para na rin kina Bimb at Josh.
Natuwa ang mga followers ni K sa nabanggit nitong nag-gain ng weight si Kris at makikita nga sa bedside table nito na may ready food kapag ginusto niyang kumain.
TUWANG-TUWA ang mga netizens sa reels nina Bimb Aquino at Cassandra Yñares na isinasayaw ang dance trend ngayon na Me Jalo ng Fuerza Regida.
Nagulat ang mga netizens na makitang nagsasayaw si Bimb. First time kasing nakita siyang nagsasayaw at comment nga ng mga netizens, he has the moves.
Request ng mga netizens sa Cornerstone na siyang nag-post ng reels, more dance reels pa raw ni Bimb dahil naaliw sila.
May comment pa nga na hindi lang pala umiikot ang buhay ni Bimb sa pag-aalaga sa mom niya. May time rin siya to go out of their place, have fun at sumayaw.
Puro papuri rin kay Bimb ang nabasa namin gaya ng mabuti siyang anak at kapatid, magalang at maalaga sa mom niya. Idagdag pa na guwapo siya at may height.
May comment na, “Ituloy mo lang ang pag-aaral mo at maging lawyer. We are rooting for your future success and good health kay Mommy Kris mo.”
Na-curious ang mga netizens kay Cassandra na kasama ni Bimb sa reels. Anak siya ni Andrea Bautista na sister ni Sen. Bong Revilla at wife ni Casimiro Yñares III.
Tanong ng mga netizens, isa ba si Cassandra sa mga nabanggit ni Kris na gusto niya para kay Bimb?
Dalawa ang nabanggit ni Kris na gusto niya para kay Bimb, kaya gustong malaman ng mga netizens kung isa ba rito si Cassandra.










Comments