top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Hate crimes sa mga taga-Asya, panibagong krisis!

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 27, 2021
2 min read

ni Ka Ambo - @Bistado | March 27, 2021



Bumababa na ang epekto ng COVID sa Southeast Asia.


Walang duda, riyan na patungo ang Pilipinas!


◘◘◘


INI-SCAM lang ang datos kaya’t malaki ang bilang sa Pilipinas.


‘Yan ang dapat imbestigahan!


◘◘◘


NAG-AALBOROTO na naman ang Bulkang Taal.


Signos ito na matatapos na ang COVID crisis na nagsimula sa pagputok ng Bulking Taal!


◘◘◘


NABIBIKTIMA ng “hate crime” ang mga Asiano sa Amerika.


Panibagong krisis ‘yan dahil sa “misinformation” sa COVID crisis!


◘◘◘


MARAMING Pinoy ang nagsisiuwian mula sa US.


‘Yan ay malaking tama!


◘◘◘


KAPAG umuwi ang mga Fil-Am sa Pilipinas mula sa US—babagsak ang ekonomiya ng Amerika.


Uunlad ang Pilipinas kung sa sariling bansa mag-i-invest ang mga Fil-Am!


◘◘◘


GULUGOD ng labor force ng U.S. ay mga Pinoy at Fil-Am.


Mas malaki ang mawawala sa mga Kano kapag nag-uwian ang mga Pinoy!


◘◘◘


PINAKAMAGANDA ang patakbo ng Canada sa kanilang mamamayan at sa mga migranteng Pinoy.


Siyempre, dambuhala rin ang buwis na kinakaltas sa mga Pinoy workers.


Talagang ganun, sulit naman!


◘◘◘


MARAMI nang frontliners ang naturukan ng Sinovac at AstraZeneca.


Makaraan ang tatlong araw matapos ang vaccination, balik normal na ang mga naturukan.


Walang grabeng side effects.


Malinaw na mali ang mga ibinabalita sa media!


◘◘◘


MALINAW na ligtas ang bakuna ng Sinovac at AstraZeneca pero bakit tinatakot ang mga nais magpabakuna?


Sa mga susunod na araw—mag-aagawan sa “available slot” ang mga Pinoy!


◘◘◘


ANG sakit ng katawan, lagnat at ubo o sipon ay karaniwang nararamdaman kahit sa ordinaryong flu vaccine at anti-pneumonia vaccine.


‘Yan ay nararanasan din siyempre, matapos maturukan ng COVID vaccine.


Malinaw na normal ‘yan!


◘◘◘


SA kalagitnaan ng taon, dadagsa na ang COVID vaccine.


Mauuna ang pagbaba ng bilang ng mga nagkakasakit ng COVID.


Pustahan tayo!


◘◘◘


SA panahon ng Holy Week, tradisyunal na nababawasan ng malaki ang populasyon sa Metro Manila.


Magsisiuwi sa mga lalawigan ang mga taga-NCR, kaya’t biglang bababa ang bilang ng mga nagkakasakit!


◘◘◘


DAHIL din sa matinding init, matatapos na ang epekto ng COVID.


Naganap ‘yan noong nakaraang taon at ‘yan din ang magaganap ngayon!


◘◘◘


HINDI dapat matakot ang matatanda at may sakit sa pagpapabakuna kontra COVID.


Siya ay prayoridad at sila mismo ang dapat magpabakuna upang makaligtas na mapasama sa datos ng namamamatay.


Hindi para sa malulusog lamang ang COVID vaccine, ito ay higit na para sa kaligtasan ng mga may mahihina nang katawan.


Mauunawaan sana ito nang lahat!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page