Harris ng LPG, itinirik ang Dyip ni Cabagnot
- BULGAR
- Dec 10, 2021
- 1 min read
ni Gerard Arce - @Sports | December 10, 2021

Pinatirik ng Phoenix Super LPG ang magandang biyahe ng Terrafirma Dyip sa fourth period para pasiklabin ang come-from-behind victory sa bisa ng 103-100, kahapon sa ikalawang araw ng pagbubukas ng 46th season ng PBA Governor’s Cup sa Ynares Sports Center sa Pasig City.
Pinatunayan ni Phoenix import Paul Harris ang matayog na karanasan sa laro mula sa 2011 Commissioners Cup title para selyuhan ang tatlong mahalagang free throws sa huling bahagi ng laro.
Tangan ang 13-point lead na kalamangan sa 7:41 ng laro sa 90-77, umalagwa ng husto ang Fuel Masters sa 23-5 blast para kunin ang kalamangan sa 100-95 sa nalalabing 1:58 sa laro matapos ang sunod-sunod na atake nina Harris, Wright, Perkins at RJ Jazul.
Sumagasa pa ng isang three-point play si Juami Tiongson para sa Terrafirma matapos ang turnover ni Harris upang idikit sa 98-100 sa nalalabing 16 segundo.
Nasayang ang pagkakataon para sa Terrafirma ng mag-commit ng turnover si Alex Cabagnot. “We just kept on playing and never give up and take our chances and went on our defense to lighting up our offense,” wika ni Phoenix head coach Topex Robinson sa press-conference.
Umariba ng double-double performance si Filipino-Canadian Matthew Wright sa 17pts, para tanghaling best player of the game, habang tumikada si Harris ng 24 pts, at 15rebs, gayundin ang tig-18 pts nina Chris Banchero at Jason Perkins.
Nasayang naman ang 28pts, ni Terrafirma import Antonio Hester, na sinegundahan naman ni Tiongson sa 20 pts at veteran point guard at new-comer Alex Cabagnot sa 12 pts.





Comments