top of page
Pokwang.jpg

Harris, Harden, Giannis at Curry, lumider sa tropa

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 25, 2021
2 min read

ni Anthony E. Servinio - @Sports | February 25, 2021





Nanatiling hawak ng Philadelphia 76ers ang liderato ng 2020-2021 NBA Eastern Conference matapos talunin ang Toronto Raptors, 109-102, kahapon sa pansamantalang tahanan ng Raptors na Amalie Arena sa Tampa, Florida. Mahalaga ang panalo ng 76ers (21-11) dahil nakatala ng panalo ang humahabol na Brooklyn Nets (21-12) sa kasabay na laro.


Kontrolado ng 76ers ang buong laban maliban sa dalawang beses nakatikim ng isang puntos na lamang ang Raptors noong first quarter at umabot hanggang 21 ang lamang sa 2nd quarter, 50-29. Bumida sina Tobias Harris na may 23 puntos at Furkan Korkmaz na may 19.


Nag-relaks sa 3rd quarter subalit naglabas ng sapat na lakas ang Brooklyn para talunin ang Sacramento Kings, 127-118. Nagsumite ng triple double si James Harden na 29 puntos habang 29 puntos din si Bruce Brown para sa Nets.


Walang kabang ipinasok ni Luka Doncic ang tres sa buzzer beater upang makaligtas ang Dallas Mavericks sa Boston Celtics, 110-107. Ito ang pang-anim na tres ni Doncic para sa 31 puntos habang nag-ambag ng limang tres para sa 22 puntos si Jalen Brunson.


Nagpamalas din ng matinding shooting si Stephen Curry at hinila ang Golden State Warriors laban sa New York Knicks, 114-106. Nagtapos na may pitong tres si Curry bilang bahagi ng kanyang 37 puntos.


Tinambakan ng Milwaukee Bucks ang Minnesota Timberwolves at ang kanilang bagong talagang coach na si Chris Finch, 139-112, upang manatili sa ikatlong pwesto sa East sa 19-13. Namayani sa ilalim si MVP Giannis Antetokounmpo sa 37 puntos.


Sa ibang mga laro, isinalpak ni rookie Lamar Stevens ang dunk na may walong segundo sa orasan upang buhatin ang Cleveland Cavaliers kontra Atlanta Hawks, 112-111, sabay pagwakas ng kanilang 10 sunod-sunod na talo ngayong buwan. Namuno sa Cavs (11-21) si Collin Sexton.


Isa pang rookie na si Saben Lee ang bumida sa 105-93 tagumpay ng kulelat sa Eastern Conference Detroit Pistons laban sa Orlando Magic. Nagtapos si Lee na may 21 puntos at sinundan ni Josh Jackson na may 18 para sa kartadang 9-22.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page