top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Harden, humalili kay Durant para pumuntos sa Brooklyn

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 31, 2021
  • 2 min read

ni Anthony E. Servinio - @Sports | January 31, 2021





Ipinamalas muli ng Brooklyn Nets ang napakalakas na opensa at lalim ng koponan sa 147-125 na pagdurog sa Oklahoma City Thunder sa NBA kahapon mula sa Chesapeake Energy Arena. Kahit wala si Kevin Durant ay nakamit ng Nets ang ika-13 na panalo at umakyat sa pangalawang puwesto sa humihigpit na Eastern Conference.


Nagsumite ng triple double si James Harden na 25 puntos habang 25 puntos din si Kyrie Irving at 20 si Joe Harris buhat sa limang tres. Pinahinga si Durant bilang pag-ingat matapos ang operasyon sa sakong kaya hindi siya nakalaro sa buong 2019-2020 NBA.


Nakatulong sa Nets ang panalo ng New Orleans Pelicans na humila pababa sa dating numero dos Milwaukee Bucks, 131-126. Bumida para sa Pelicans sina Brandon Ingram na may 28 puntos at Lonzo Ball na may 27 puntos. Nanatili sa Philadelphia 76ers ang liderato sa East matapos talunin ang koponan sa pinakailalim ng Western Conference Minnesota Timberwolves, 118-94. Halimaw muli si Joel Embiid sa 37 puntos at 11 rebound at tinulungan ni Tobias Harris na may 17 puntos para sa kartadang 14-6.


Bumalik sa aksyon sina Paul George at Kawhi Leonard at agad binuhat nila ang Los Angeles Clippers sa Orlando Magic, 116-90. Itinala ng dalawa ang 26 puntos para kay George at 24 para kay Leonard at umangat sa 15-5 at manatiling pangalawa sa West.


Nagwagi ang San Antonio Spurs sa Denver Nuggets, 119-109, at pumantay ang dalawang koponan sa 11-8. Nanguna sa Spurs si DeMar DeRozan na may 30 puntos at sinundan ni Dejounte Murray sa 26 puntos. Kinailangan ng Charlotte Hornets ang mga mahalagang puntos nina Cody Zeller, Terry Rozier at Devonte Graham sa huling 2 minuto upang mapigil ang Indiana Pacers, 108-105. Nanguna para sa Hornets sina Rozier at PJ Washington na parehong may tig-19 puntos.


Sinayang ng Sacramento Kings ang 18 puntos na lamang sa third quarter at kumapit upang malusutan ang kinapos na Toronto Raptors, 126-124. Kumuha ng lakas ang Kings kay Harrison Barnes sa 26 puntos, De’Aaron Fox na may 24.


Sa ibang laro, tinambakan ng New York Knicks ang Cleveland Cavaliers, 102-81. Nanguna sa Knicks si rookie Immanuel Quickley na may 25 puntos.Lalong ibinaon ng Atlanta Hawks ang Washington Wizards sa ilalim ng buong NBA, 116-101. Umapoy para sa 41 puntos sa 34 minuto si Trae Young habang may 17 puntos at 8 rebound si John Collins.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page