- BULGAR
Happy together sa graduation ng anak… BIANCA, UMAMIN KAY VHONG NA NA-TRAUMA SA ANNULMENT NILA
ni Julie Bonifacio - @Winner | July 5, 2022

Eksklusibo naming nakapanayam ang entrepreneur, artist, talent manager and now a print media executive na si Bianca Lapus sa soft-launch ng bagong glossy magazine nila na Top Shelf.
For their initial issue, ang Kumu sensation at singer na si Gigi de Lana ang nasa cover ng Top Shelf. May one-page column-article rin si Bianca sa Top Shelf which according to her ay ‘di niya akalain na makakapagsulat din siya sa isang glossy magazine.
Sabi namin kay Bianca, ang tapang nila para maglabas ng bagong magazine dahil ang karamihan sa mga publishing companies ay nagsara na especially during the pandemic.
“Meron kaming purpose. Kumbaga, we’re not really launching Top Shelf to earn. Of course, that’s a bonus kasi this is business. But in reality, siyempre, gusto naman naming kumita para makatulong din kami sa maraming tao, makapagbigay kami ng maraming trabaho, ‘no!
“Pero ‘yung pinaka-sole purpose naming magkakaibigan kung bakit namin ipinush ‘yung Top Shelf amidst the pandemic, amidst all the trials ng mga businesses, 'di ba, sabi mo nga, ang tapang namin? Pero para sa amin kasi, kaming magkakaibigan, naisip na namin, lalo na ako, ilang beses na akong muntik mamatay-matay, ‘di ba?
“Nu’ng nanganak ako, nu’ng nagka-COVID ako. Parang totoo ‘yung YOLO, you only live once. Life is short. So, gawin mo na kung ano ‘yung gusto mong gawin. Walang masama kung susubukan mo. Pangarap namin ang magkaroon ng isang magazine. Isang platform na puwede kaming mag-feature ng mga inspiring people. So, ayun, ipinush namin,” lahad ni Bianca.
Dumating sa event para suportahan si Bianca ang newly-graduate na anak niya sa komedyante at It’s Showtime host na si Vhong Navarro, si Ice (Isaiah Navarro).

Ipinakuwento namin kay Bianca ang naganap na pagsasama nila ni Vhong nu’ng graduation day ni Ice sa kolehiyo.
“Nagkita kami…nag-usap kami. Kasi ‘yung tiket doon, dalawa lang, pang-dalawang tao lang. Walang ibang puwedeng kasama ‘yung anak ko kundi dalawa. Eh, di siyempre, kaming dalawa ‘yun. So, nag-usap kami na magkita kami, ganyan-ganyan. Hindi namin akalain na lampas apat na oras kami doon. Nakaupo kami doon gaya ng ibang parents na nandoon,” umpisang tsika ni Bianca.
That was the very first time raw na nakitang magkasama sila ni Vhong in public.
“Nagkakasama na kami before ni Vhong kasama ‘yung mga family namin like 'pag may birthday. Pero eto, kami lang dalawa. So, ano kami, actually, okey na rin kasi parang nakapag-bonding din kaming dalawa. Nakapag-usap sa mga bagay-bagay,” pagre-recall ni Bianca.
Sobrang tagal na raw nu’ng huling beses na nagkaroon sila ng chance na makapag-bonding ni Vhong after their separation noong 2008.
“Pero ‘yung super na nag-usap kami one-on-one, ‘yun lang talaga, sa graduation ni Ice since nag-separate kami. Kasi more on text lang kami and phone calls. Tulad nu’ng bago siya ikasal. O kaya, kapag meron kaming kailangang ayusin for Ice. Pero ‘yung sa graduation, dahil wala kaming choice,” sabay tawa ni Bianca.
Pagpapatuloy pa ni Bianca, “Nagkuwentuhan talaga kami about life. Tinanong niya ako bakit hindi pa ako nagpapakasal. ‘Yung mga ganoong bagay. Tapos, nag-reminisce kami ng mga dati. Para talaga kaming mag-barkada na biglang… alam mo ‘yun? Parang long-lost friends na nagtsikahan.”
Haping-happy si Bianca na humantong na sila ni Vhong sa nakakapag-usap ng mga bagay-bagay sa buhay nila after ng kanilang hiwalayan blues.
“Parang heart-to-heart na nagkukuwentuhan kami na magkaibigan kami, na ‘yung mga bagay na hindi namin kayang pag-usapan dati, for the first time, napag-usapan na namin.”
Gaya ng kasal nila na napawalang-bisa?
"Oo. Saka inamin ko talaga sa kanya na, ‘Na-trauma ako sa annulment, bakla,’ ganyan. Hahaha! Nagbibiruan talaga kami. Saka kasi, naka-mask ako, may nagbibiro nga na… madalas akong mabiro na (kamukha) Angel (Locsin)," sabay gaya ni Bianca sa pananalita at boses ni Angel Locsin.
"Parang niloloko niya ako, ‘Eee, gustung-gusto,’ parang ganyan. Ganoon na kami. As in, nagbibiruan na kami.”
Wow naman. Sana, lahat ng mga naghihiwalay na celebrity couples ay gaya nina Vhong at Bianca.