Happy together… HEART AT CHIZ, HOLDING HANDS NA ULI
ni Nitz Miralles @Bida | January 20, 2023

Hindi na siguro bibigyan ng ibang kahulugan ng netizens ang video nina Sen. Chiz Escudero at Heart Evangelista na magka-holding hands habang papasok sa The Aivee Clinic. May hawak pa ring bag si Heart, but this time, masaya sila at tila nagtatawanan pa ni Chiz habang naglalakad.
Noong una kasing nag-post si Heart ng photos nila ni Chiz kasama ang dalawang anak ng senador, binigyan ng meaning ang body language ni Heart. Holding hands nga raw sila ni Chiz, pero hindi naman siya nakatingin sa asawa at may hawak pa raw na bag.
Noong Kapaskuhan ipinost ni Heart ang family picture nila ni Chiz at mga anak ng mister.
Pero, sa video na ipinost ng The Aivee Clinic, masaya ngang naglalakad ang mag-asawa at hindi lang basta sinamahan ni Chiz si Heart, nagpa-treatment din siya.
Pansin din namin na nag-iba na ang tono ng mga comments, wala nang nagbanggit ng hiwalayan at lahat sila ay masaya na happy at magkasama ang Escudero couple.





Comments