top of page

Happy na together again… MICHAEL, INAMIN ANG REAL SCORE SA KANILA NI ZEPHANIE

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 3 hours ago
  • 3 min read

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | March 21, 2026



FRANKLY - MICHAEL, INAMIN ANG REAL SCORE SA KANILA NI ZEPHANIE_YT FTWBA

Photo: YT FTWBA



Nilinaw ng Sparkle artists na sina Michael Sager at Zephanie na hindi talaga naging sila noong mga panahong nali-link sila two years ago dahil nagkasama sila sa isang proyekto.


Reunited ang dalawa sa musical-drama series ng GMA Network na Born to Shine (BTS) at sa mediacon na ginanap kamakailan, isa sa mga naitanong sa kanila ay kung nagkaroon ba sila ng relasyon before at kung ano ang real score nila hanggang ngayon.


Ayon kay Michael, that time ay mga bata pa sila, pero isa raw talaga sa mga una niyang naging kaibigan nang lumipat siya sa Pilipinas mula Canada ay si Zephanie at hanggang doon na lang daw iyon.


“Masasabi kong hanggang du’n lang naman talaga ‘yung kinapuntahan n’ya, really good friends. Wala. I mean, work muna talaga that time, pinapagalitan ng parents ko noon kung umaano,” natatawang sabi ni Michael.


Dagdag pa niya, “For me, it was a good relationship that we had. We grew apart somehow because na-busy ang schedules, ‘di ba?”


Kaya naman ngayong binigyan silang muli ng GMA ng project together, natuwa raw siya na ma-reunite ulit sa kanyang kaibigan.


“What we can work on now is we’re back together and the reunion of the friendship and as co-workers. Ang ganda rin, nakakatuwa na we’re together for this project,” saad ng aktor.

Nang tanungin kung hindi ba siya nanligaw kay Zephanie, aniya, “Nanligaw? ‘Di naman po. Parang naging close lang talaga. Aminado naman talagang naging close at masaya namang maging kaibigan si Zep.”


Sumang-ayon naman ang lead star ng Born to Shine (BTS) sa mga sinabi ni Michael.

“I agree with everything that Michael just said. Siyempre, it’s so normal that when you are walking with someone and when you’re journeying with someone, talagang you admire him and honestly, I always admire Michael for his passion,” sey ng singer-actress.


“‘Yung mga pangarap din n’ya, katulad ng sinabi n’ya kanina, hinahabol ko rin ang pangarap ko. And I can see that in him too.


“And I’m just so happy na noong nag-start kaming dalawa, nandu’n kami to encourage each other. And when the time came na we had to go on our own paths, parang nakaka-proud na makita na nag-grow kayo. Nag-start kayo together and we’re back.


“Again, I’m so grateful na na-entrust itong project na ito sa aming dalawa kasi reunion,” dagdag pa ni Zephanie.


Sa direksiyon ni Rod Marmol, hatid ng GMA Entertainment Group ang isang palabas tungkol sa passion, destiny, musika, at pag-ibig na magpapaalala sa mga manonood na lahat ay ipinanganak para magningning.





BAGONG eksena agad nina Kim Chiu at Paulo Avelino ang bumungad sa pilot episode ng The Alibi (TA) na labis nagpakilig at nagpa-excite sa mga fans.


Tampok sa nakakaintrigang eksena ang malagkit na tinginan ng KimPau nang magtagpo sa unang pagkakataon ang kanilang mga karakter sa gitna ng kalsada dahil sa isang aksidente.


Nabulabog din ang mga fans sa palaban na awra ni Kim na nakasuot ng seksing damit, kaya inaabangan na rin nila ang mga susunod pang eksena sa mas mahabang bersiyon ng serye.


“Unang episode pa lang, binasag na agad ang akala mong alam mo na dahil napanood mo na nang paulit-ulit. Looking forward to witnessing never-before-seen moments that’ll redefine the storyline. Yanigin ninyo ulit ang mundo namin in another epic way,” post ni @uhgood4u sa X (dating Twitter).


Inulan din ng papuri ang umaapaw na chemistry ng dalawa. 


“Okey si Pau, ang galing. Mukhang totoo ang galit sa mata. Galing nila rito. ‘Yung chemistry, umaapaw. Tingin lang nila sa isa’t isa,” komento ni @nurminz69.


Samantala, ibinida na rin sa unang episode ang ilan sa mga maiinit na komprontasyon, kabilang ang alitan nina Vincent (Paulo) at ng karibal niyang si Walter (Sam Milby), at ang sikretong relasyon ni Walter sa asawa ni Vincent na si Claudia (Sofia Andres).


Tutukan ang mga misteryo sa mas mahabang bersiyon ng The Alibi: Ang Buong Katotohanan, Lunes hanggang Biyernes, 8 PM, sa ABS-CBN sa ALLTV2, A2Z, Kapamilya Channel, at Kapamilya Online Live sa YouTube (YT) at Facebook (FB). 

Napapanood din ang mga bagong episode pitong araw na mas maaga sa iWant. 

Mapapanood din ang serye sa labas ng Pilipinas sa pamamagitan ng The Filipino Channel sa cable at IPTV.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page