Happy daw para kina Coco at Julia… "UMAMIN NA ANG MGA ANAK KO! YAAYYY!!!" — SHARON
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | May 30, 2023

Inalmahan ni Megastar Sharon Cuneta ang isang basher na nagsabing sumisipsip siya kay Coco Martin para mapasama sa cast ng FPJ's Batang Quiapo.
Nag-post si Megastar ng kanyang nararamdaman sa diumano'y pag-amin nina Coco at Julia Montes sa kanilang relasyon.
Ayon kay Sharon, happy siya para sa kanyang dalawang anak-anakan, "Umamin na ang mga anak ko! Yaayyy!!! Happy si Mommy Sha! @montesjulia08 @cocomartin_ph," simula ni Sharon.
"P.S. I became close to Coco & Julia when Coco asked me to join FPJ's Ang Probinsyano towards the end of 2021. Whatever they may have gone through together, well, it all seems to have been for the best because they are so good to and for each other.
"They are happy and that makes me and so many others happy. I love them both very much — and no matter what, my friends know that I am protective and loyal and supportive — and that certainly will not change!
"I believe people should focus on what is and what will be rather than what was. Let's all be happy with our own lives and be happy for them," pahayag pa ni Shawie.
May isang basher na nagkomento ng "Okay, sige. Sipsip pa more, baka sakaling isama ka ni Coco sa Batang Quiapo."
Of course, hindi ito nagustuhan ni Sharon at talagang hindi niya pinalampas ang commenter. Ang unang hirit niya, "Excuse me? Saang planeta ka lumaki?"
Dagdag pa nito, "May sarili akong mga trabaho. Busy ako."
Sey pa niya na mahahalata mong imbiyerna talaga, "Ewan ko kung ilan pa kayong parang walang alam. Sa Probinsyano, ako ang inimbita at 'di ako nagpresenta. 'Pag ako nagpresenta ng sarili ko, 'yun ay para makatulong at hindi para matulungan.
"Dalawa ang parating kong teleserye at may mga movies ako. Lumagay ka sa tama. Sa lahat ng nakakainis sa aming mga artista ay 'yung wala nang alam, bastos pa."
Anyway, ang tinutukoy ni Sharon na pag-amin nina Coco at Julia ay ang statement ng aktor kamakailan sa isang panayam na 12 years na silang magkasama ng rumored girlfriend.
Pero, kaagad namang naglabas ng paliwanag ang Dreamscape Entertainment na ang ibig sabihin daw ni Coco ay 12 years na ang working relationship nila ni Julia.





Comments