Happy daw kahit single… ASHLEY, AYAW IPILIT ANG SARILI SA EX NA MAYOR, MAS OKS DAW NA HIWALAY NA
ni Nitz Miralles @Bida | March 29, 2023

Tama pala ang sinabi ni Ashley Ortega na wala siyang inspirasyon ngayon sa buhay hindi katulad ng leading man nito sa serye na si Xian Lim na happy ang love life with Kim Chiu, dahil nga break na sila ng boyfriend niyang si Lucena Mayor Mark Alcala.
Inamin ni Ashley na single na siya sa mediacon ng Hearts On Ice.
Sa interview sa Fast Talk with Boy Abunda, nabanggit ni Ashley na mutual ang decision nila ng ex na maghiwalay.
"Ipinaglaban ko naman, until the very end, but of course, we had a mutual agreement. And I respected his decision. And ayaw din naming ipilit sa isa’t isa, if we know that it won’t work. Kasi if we know na it won’t work, bakit pa ipaglalaban?"
Sa interview naman sa Updated With Nelson Canlas, sabi ni Ashley, naka-move on na siya sa breakup nila ng ex.
"You know, the pain that I had that time, I really welcomed it and embraced it. Kaya, I was able to recover from that kasi in-acknowledge ko talaga ‘yung pain. And it’s okay to acknowledge your pain, it’s part of life. I started to love myself more, to prioritize myself."
Wala mang love life, masaya si Ashley dahil sa positive feedback na natatanggap ng Hearts On Ice na pinagtatambalan nila ni Xian.
Inspirasyon nga ang dala nito sa mga viewers, lalo na sa mga aspiring figure skaters.





Comments