top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Happy ang pamilya ng mga OFW sa pagtaas ng palitan ng dolyar

BULGAR
Jul 11, 2021
2 min read

ni Ka Ambo - @Bistado | July 11, 2021


Nayanig ng higit sa magnitude 6 earthquake ang Indonesia at Mindanao.


Huh, gumagalaw ang earth crust?


◘◘◘


GUMAGALAW din ang ekonomiya sa buong mundo.

Ang side-effect?


Tumaas ang presyo ng petrolyo!


◘◘◘


GUMALAW din ang piso kontra dolyar.

Bumagsak sa P50 kada dolyar ang palitan.


Natutuwa ang mga benepisaryo ng OFW remittances!


◘◘◘


MALAKI ang demand sa dolyar.


Mayroong namamakyaw o naglalabas ng dolyares mula sa loob ng Pilipinas!


◘◘◘


KAPAG bumaba ang piso, ibig sabihin ay malusog ang import industry—nangangailangan kasi ng dolyar.


Dapat makisabay dito ang masiglang “export industry”!


◘◘◘


KAPAG “patay” ang export pero patuloy ang paglalabas ng dolyar, delikado ‘yan.

Isang krisis ang nagbabanta!


◘◘◘


MAGTATAASAN muli ang presyo ng mga imported goods tulad ng bigas, karne at iba pang smuggled goods.


Isang krisis ito na mahirap maresolba!


◘◘◘


SA totoo lang, kapansin-pansin ang nagkalat na paskil sa mga commercial district: For Rent!


Ngayon lamang nagsasarado ang mga negosyo matapos magtangkang i-maintain ito sa higit 12-buwan.


Suko na ang maliliit na kapitalista: Wala talagang recovery na magaganap sa susunod na 6 hanggang 12-buwan!


◘◘◘


PERO, may mga nagbubukas din ng negosyo.

Ito ay ang mga tinatawag na “may mahabang pisi”.

Hindi sila nag-expect ng “profit”, bagkus ay nag-i-invest sila sa pag-asang babalik sa normal sa Disyembre.


Nakahanda silang malugi nang anim na buwan!


◘◘◘


MARAMI na ang nagte-text mula sa mga lalawigan.

Nagugutom na sila sa pagbabalik sa kanilang ancestral town — gusto na nilang magbalik-Maynila.


Paano ‘yan, wala pa ring trabaho?


◘◘◘


HINDI mapipigil na magbalik sa Metro Manila ang mga obrerong nagtago sa mga lalawigan dahil nasisante.


Makikipagsapalaran ulit sila sa Maynila kahit maging “dakilang tambay”.


Lalakas ang industriya ng prostitution at human trafficking!


◘◘◘


NASAAN ang pautang ng gobyerno sa mga naluging negosyante?


Dinambong na rin ng mga pulitikong pulpol?


◘◘◘


WALA raw karapatan si Sen. Manny Pacquiao na manungkulan sa gobyerno dahil hindi nagkaroon ng pormal na edukasyon.


Bakit si HesuKristo ba at 12 apostoles ay nakapagtapos sa kolehiyo?



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page