Hapi raw kay Joshua na may Bella na… NETIZENS KAY JULIA: TUPPERWARE!
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | September 10, 2022

Guest si Julia Barretto sa segment na Maritest sa Tropang LOL noontime show sa TV5.
Isa sa mga katanungan ay kung sino ang isang sikat na aktor na nali-link sa sikat na YouTuber na si Bella Racelis dahil madalas i-like ng aktor ang mga posts ni girl.
May apat na pangalan ng lalaki na pagpipilian si Julia — Diego Loyzaga, Alden Richards, Donny Pangilinan, Joshua Garcia.
Mukhang 'di naman aware si Julia na mapapasama sa mga choices ang pangalan ng ex-BF niyang si Joshua.
Reaksiyon ni Julia nang malamang si Joshua ang tinutukoy ay "That's nice, good for them."
Ayon naman sa isang netizen, "Tupperware pa rin kung sumagot."
Sabi rin ng isa pa, "Kunwari pa siyang 'di niya alam. Haha!"





Comments