ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Nov. 3, 2024
Photo: Bea Alonzo / Dominic Roque - Instagram
Sa latest post ni Bea Alonzo, nabanggit niyang sanay na sanay na siya sa pag-iisa. Nag-enjoy daw siya sa Spain nang magbakasyon doon dahil nagawa niya ang mga bagay na akala niya ay hindi niya magagawa.
Wala siyang ka-date at walang mga kaibigan na kasama, mag-isa siyang nagpunta sa bar at namasyal sa mga scenic spots sa Spain.
Ibang-iba ang freedom na kanyang naramdaman. Dito raw napatunayan ni Bea na hindi niya kailangan ang may ka-date upang sumaya ang kanyang buhay.
Secured na secured ngayon si Bea Alonzo sa status niya bilang solo at single. Dati ay akala niya’y malungkot kapag walang love life, pero kasabay ng kanyang pagma-mature, marami siyang natutunan. Hindi lang daw puso ang dapat na pairalin kapag nagmamahal.
Bukod dito, lagi niyang naaalala ang payo ng kanyang ina na gamitin din ang kanyang utak upang hindi magkamali sa pagpili ng lalaking mamahalin.
Well, kailan kaya matatagpuan ni Bea Alonzo ang kanyang ‘the one’? Wala ba siyang regrets na pinakawalan niya si Dominic Roque?
MARAMING kalalakihan ang napa-wow nang makita ang mga sexy photos ni Julie Anne San Jose nang i-launch siya bilang Calendar Girl ng Ginebra para sa 2025.
May mga nagsasabing si Julie Anne ang karapat-dapat gumanap na Darna kung sakaling i-remake itong muli. Napunta na kasi sa ABS-CBN ang rights na gamitin ang Darna, at may pahintulot dito ang pamilya ng yumaong nobelista na si Mars Ravelo.
Dati, ang GMA Network ang may-ari ng rights ng Darna, kaya nagawa ito ni Angel Locsin noong nasa GMA-7 pa siya. Sumunod na gumanap bilang Darna ay si Marian Rivera, at dito siya sumikat nang husto.
Kung sakali na matapos na ang kontrata ng ABS-CBN sa Ravelo family para sa rights ng Darna, posibleng mabenta ang rights nito sa ibang network.
Well, wish ng mga fans at supporters ni Julie Anne San Jose na sana, siya na ang sumunod kay Marian Rivera bilang Darna. Bagay na bagay daw tiyak ang costume ni Darna sa Limitless Star.
Dahil sa kalasingan…
ARCHIE, WALA NANG KAYOD, NAKADEMANDA PA
SAYANG ang oportunidad na pinakawalan ni Archie Alemania. Dahil lang sa nawalan siya ng control sa sarili nang siya ay malasing, nakagawa siya ng mga bagay na labag sa kagandahang-asal. Hindi dahilan na single mom si Rita Daniela ay maaari na niyang bastusin ito.
Pareho pa naman silang GMA artists at ‘kuya’ ang turing sa kanya ni Rita. Dapat ay inilalagay ni Archie sa tamang lugar ang kanyang sarili at hindi dapat nagpapakalasing.
May problema ba si Archie Alemania sa kanyang personal na buhay? Ang asawa niya ngayon ay si Gee Canlas at may anak sila.
Nakarelasyon din niya si Mickey Ferriols noon, nagkaroon sila ng anak na lalaki pero nauwi rin sa paghihiwalay ang kanilang pagsasama.
Minsan din siyang na-link kay Kim Domingo nang magkasama sila sa isang project.
Ngayong idinemanda siya ni Rita Daniela dahil sa ginawa niyang pambabastos sa pagkababae nito, jobless na siya dahil sa pagkakatanggal sa kanya sa seryeng Widows’ War (WW) at may haharapin pang kaso.
Hindi man lang ba naisip ni Archie Alemania na ang kanyang kawalan ng control sa sarili kapag siya ay nalalasing ay malaking hadlang sa pag-angat ng kanyang career?
Sayang!
Comentários