top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Hanggang salita lang ang mga amuyong ni P-Digong, wa’ namang diskarte!

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 23, 2021
1 min read

ni Ka Ambo - @Bistado | February 23, 2021



Wala pa ring COVID vaccine na naide-deliver sa Pilipinas.


Puro bokadura lang!


◘◘◘


Nakukumpirma natin ngayon na ang Pilipinas ay kabilang sa mga nagdarahop na bansa na “napag-iiwanan” sa distribusyon ng bakuna.


Ibig sabihin, hindi epektibo ang diskarte ng gobyerno sa loob ng 12 buwan!


◘◘◘


Kay yayabang kung magsalita ng mga amuyong ni P-Digong na tila ba nagtatrabaho sa katindihan ng pandemic, pero hindi naman talagang epektibo ang diskarte.


Hanggang ngayon ay walang bakuna!


◘◘◘


Hindi masama kung talagang wala pang dumarating na bakuna.


Ang masama ay ang magyabang at “paasahin” ang publiko na nagtatrabaho ang mga loko.


Kung napag-iiwanan ang Pilipinas, para saan pa ang task force COVID-19?


Waley!


◘◘◘


Ang kahinaan ng mga amuyong ni P-Digong kasabay ng krisis na nararanasan ngayon ay masamang repleksiyon sa kanyang administrasyon.


Hindi nakatitiyak si P-Digong na kapanalig niya ang mauupo sa Malacañang sa 2022!


◘◘◘


Makikita rito na hindi lahat ng itinatalaga ni P-Digong sa gobyerno ay matitino dahil marami sa mga ‘yan ay palpak.


Hindi rin garantiya na ang anumang sabihin ni P-Digong ay dapat paniwalaan!


◘◘◘


Ilang buwan na lamang ng itatagal ni P-Digong sa Malacañang pero wala tayong maituturong matinong ayudante na masasandalan sa epektibong desisyon.


Si Sen. Bong Go ay nilamon na rin ng iskemang pulitika!


◘◘◘


Lumalakas ang loob ng oposisyon kapag nakikitang pumapalpak ang pamahalaan.


‘Yan ay senaryo na dapat paghandaan!


◘◘◘


Wala nang gaanong ulat kaugnay sa kampanya kontra ilegal na droga.


Maaaring pera-pera na rin ang kalakaran!


◘◘◘


Kahit ang korupsiyon ay laganap sa lahat ng antas.


Ang kaban ng bayan ay sinimot gamit ang “COVID”!


Tsk-tsk-tsk!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page