Hanggang ngayon, may trauma pa ang Pinoy sa “Dengvaxia”!

ni Ka Ambo - @Bistado | November 29, 2020
Sa bandang Hunyo 2021 pa puwedeng magamit ang mga COVID-19 vaccines sa Pilipinas.
At mauuna ang mga milyunaryo mula sa palusot ng mga ismagler!
◘◘◘
Ipinaliliwanag lamang ni COVID vaccine czar Carlito Galvez ay ang proseso sa pagbabakuna sa mga mahihirap.
Pero, bakit hindi niya ipinaliliwanag kung paano aangkat ang mga mayayamang may sariling salapi mula sa abroad?
◘◘◘
Sa ayaw o sa gusto ni P-Digong, tiyak na iismagel ang COVID vaccine papasok sa Pilipinas.
Kung paano ito aayusin — dapat ipaliwanag ni Galvez!
◘◘◘
Hindi na hihintayin ng mga multi-milyunaryo ang gobyerno para sila ay makabili ng COVID vaccine sa abroad.
Ibig sabihin, dapat makontrol ng gobyerno ang “smuggled COVID vaccine” sa oras na magkaroon ng bakuna ang U.S. at iba pang bansa!
◘◘◘
Gayunman, may risk ang sinumang mauunang magpabakuna.
Bakit?
Sapagkat hindi pa aktuwal na malinaw ang epekto ng bagong tuklas na bakuna kapag ginamit ng mga Pinoy.
Idinaraan muna ito sa validation o “trial period” na aabot ng 3 buwan—bago ito ikomersiyo!
◘◘◘
Bago ibigay sa publiko, dapat malinaw ang review ng mga awtentikadong medical journal sa efficacy ng bakuna.
‘Yan ay hindi ipinaliliwanag ni Galvez!
◘◘◘
Habang nagsasagawa ng trial period sa Pilipinas para sa COVID vaccine, maaaring mag-import ang mga multi-milyunaryo nang hindi daraan sa proseso ng gobyerno.
‘Yan ay maselang sitwasyon na hindi tinatalakay ni Galvez sa publiko!
◘◘◘
Malinaw na malinaw na bandang Hulyo 2021 pa magsisimula ang bakuna sa hanay ng mga ordinaryong Pinoy.
Siyempre, bago ‘yan hindi natin mauunahan magpaturok ang mayayaman!
◘◘◘
Sa totoo lang, lumiliit na ang bilang ng mga nagkakasakit ng COVID.
Ibig sabihin, malaki ang posibilidad na bago pa magkaroon ng pagbabakuna—maaaring magkaroon na ng tinatawag na “herd immunity”!
◘◘◘
Kapag wala nang tinatamaan ng COVID sa Pilipinas o bumaba na ang bilang sa “under control level”, hindi na magkakainteres ang ordinaryong na magpabakuna.
Hanggang ngayon, may trauma pa ang Pinoy sa “Dengvaxia”!
◘◘◘
Ang Dengvaxia ay itinurok sa mga batang Pinoy nang wala pang malilinaw na balidasyon sa mga medical journal.
Karaniwang nakikita sa medical journal ang mga side effects ng bakuna—pero hindi pinansin ng mga health officials.
Ang resulta, marami ang tinamaan ng side-effects ng Dengvaxia na itinurok nang “bara-bara” at walang consent ng mga magulang!
◘◘◘
Dahil sa karanasan sa Dengvaxia, hindi dapat magbara-bara ang mga opisyal ng gobyerno at ordinaryong tao sa pagpapaturok ng COVID vaccine nang hindi nakokompleto ang trial period.
Paalala lang naman ‘yan!
◘◘◘
Maaaring magkaroon na ng herd immunity bago magkaroon ng mass vaccination laban sa covid.
At walang naga-analisa ng ganitong senaryo!
◘◘◘
May personal tayong kutob na bago mag-eleksiyon sa 2022 at bago mabakunahan ang lahat ng 110 milyong Pinoy, kusang maglalaho ang covid virus tulad mismo ng kusang paglalaho ng ebola, zika at mismong SARS noong 2003.
Ibig sabihin, bago magamit ang multi-bilyong covid vaccine---wala nang nagkakasakit nito sa buong mundo sa 2023.
Tama o hindi?





Comments