top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Hanggang legs lang daw ang kayang ilabas… JEAN KILEY, ATRAS MAG-VIVAMAX

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 17, 2024
  • 3 min read

ni Julie Bonifacio @Winner | January 16, 2024




Napaiyak si Jean Kiley sa intimate mediacon ng kanyang first lead role sa movie titled Hongkong Kailangan Mo Ako produced by NDM Studios.


Naging emosyonal si Jean dahil after the long wait ay nabigyan siya ng break for a lead role. 


Nakilala ng entertainment press si Jean bilang host ng mga press conference ng Viva Films. At the same time, contract artist din ng Viva si Jean, kaya marami ang nag-e-expect na ang Viva rin ang magbibigay sa kanya ng kauna-unahan niyang lead role sa pelikula.


Pero ang award-winning director-writer na si Njel de Mesa ng NDM Studios ang nagbigay sa kanya ng break na magbida sa pelikula.


“Uh, grabe, matagal ko na pong kaibigan sina Direk. Ilang taon pa lang po ako noon, bata pa po ako, high school pa lang po ako. 


“At saka ano po, nu’ng sinabi po ni Direk siyempre, ako po kasi, mahiyain po talaga akong magsalita. Pero sa totoo po, gusto ko po talaga siyang makatrabaho. Hindi po ito ano,” sabay-tago ni Jean ng kanyang mukha sa likod ni Mayton Eugenio (co-lead star niya sa  Hongkong Kailangan Mo Ako para 'wag makita ang kanyang pag-iyak.


Dahil natangay na ng emosyon si Jean, hirap na siyang ituloy ang mga susunod niyang sasabihin. 


“Actually, nauna po ang acting before hosting. Nag-i-indie films din po ako before. But then, ito po ‘yung opportunity na ibinigay ni Lord sa akin. So, siyempre, iga-grab ko lang po 'yan. Sobrang happy ko rin po,” esplika ng dalaga.


Nagho-host na rin pala si Jean sa ibang events bago pa sa mga presscon ng Viva.


“Pero mas dumami lang po talaga ang project and gigs ko po ngayon. Thankful po tayo d’yan sa hosting natin and siyempre, I wanted to pursue acting as well.


“And si Direk  po ‘yung unang nag-approach (sa akin) for this kind of role. Siyempre, sino po ang hindi mata-touched.


"Tapos sabi niya, ‘O, may Disneyland din tayong isu-shoot.' ‘Yey!’ Kasi dream ko talaga ang mag-Disneyland. First time ko po. First time ko po talaga mag-Disneyland. Pang-third out-of-the country ko pa lang po ang Hong Kong. 


"Kaya bukod sa makakatrabaho sina Direk Njel, nu’ng narinig ko po ‘yung magdi-Disneyland, ‘Ay! Disneyland!’ Ganoon po ang naging reaction ko,” kuwento pa ni Jean.


May inaalok din daw na project kay Jean ang Vivamax. Kaya lang, ‘di pa raw talaga niya kaya ‘yung ginagawa ng iba sa Vivamax.


“Hanggang shoulder lang po ang kaya kong ipakita. Saka legs po, puwede.”


Wala naman daw nagbabawal kay Jean na magpa-sexy, not even her non-showbiz boyfriend.


“Ay! Hindi naman po. Sa kanya po ano, eh, kung ano po 'yung trip ko sa buhay. Supportive po siya sa akin,” say pa ni Jean.


Samantala, walang tigil ang NDM Studios sa paggawa ng mga de-kalibreng international films. At sa kauna-unahang pagkakataon, bibida na rin sa wakas sina Mayton Eugenio at Jean Kiley sa isang full-length buddy-girl comedy film na Hongkong Kailangan Mo Ako sa direksiyon ni Direk Njel de Mesa.


Matagal nang gumaganap sa iba’t ibang supporting roles sina Mayton (e.g. Miracle in Cell No. 7, Indak, 100 Tula Para Kay Stella, etc.) at Jean Kiley (e.g. Jowable, Dulo, Ikaw Pa Rin ang Pipiliin Ko, etc.) —pero dahil sa pagtitiwala ni Direk Njel de Mesa, ngayon pa lamang sila nagkaroon ng proyekto kung saan sila naman ang bida.


Sa Hongkong Kailangan Mo Ako, gaganap sina Mayton at Jean bilang mag-best friend na nagbakasyon sa Hong Kong pero walang puknat ang mga kamalasan na sasapitin nila.


“Ako po si Blair sa movie. Ang character ko is very playful, carefree, childlike and childish. Uh, mayaman siya kaya hindi siya masyadong nagkakaproblema with regards to money. A very opposite of Mallory, habang si Blair po ‘yung walang paki. ‘Yun po ‘yung nasa trailer. Kasi kayang-kaya niya ang lahat ng gusto niyang gawin dahil they have the money to do that. And very adventurous po si Blair, and she dances,” pahayag pa ni Jean.


Abangan ang Hongkong Kailangan Mo Ako sa mga sinehan.

 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page