Hanggang boyfriend na lang, Raymart… CLAUDINE, NEVER NANG MAGPAPAKASAL ULI
- BULGAR
- May 8, 2023
- 1 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | May 8, 2023

Maraming rebelasyon si Claudine Barretto nang mag-guest sa Fast Talk with Boy Abunda.
Isa na rito ang ayaw na raw ni Claudine na magpakasal pang muli sakaling magkaroon siya ng bagong karelasyon.
Sayang nga lang dahil hinihintay ng mga viewers kung mababanggit ang tungkol sa estranged husband ni Claudine na si Raymart Santiago, pero hindi nga nangyari.
Samantala, sina Julia Barretto at Julia Montes ang mga gusto ni Claudine na gumanap sakaling gagawan ng kuwento ang kanyang buhay.
Comments