top of page
Search
  • BULGAR

Hanggang BF na lang… ALMA, NEVER NANG MAGPAPAKASAL ULI

ni Janiz Navida @Showbiz Special | September 30, 2022


First love talaga ni Ms. Dina Bonnevie ang showbiz kaya kahit anong mangyari, hinding-hindi niya iiwan ang pag-arte.


Nakatsikahan namin ang byuti pa ring mommy nina Oyo at Danica Sotto sa presscon ng bago niyang sitcom sa TV5, ang Kalye Kweens kung saan kasama niyang maghahatid ng saya ang kapwa magaling ding aktres na si Alma Moreno.


Sabi namin kay Ms. D, good thing na hindi siya pinipigilan ng mister na si dating Ilocos Sur Gov. Deogracias Victor "DV" Savellano na mag-artista pa rin.


Sagot naman niya, "Pinag-usapan namin 'yan bago kami nagpakasal. Sabi ko sa kanya, 'Pls.

never stop me from doing what I love to do. Pls. be supportive and I'll be supportive towards you.' Sabi niya, 'Hindi na natin kailangang pag-usapan 'yan. Nakilala kitang artista, kailangang tanggapin ko 'yan. And nakilala mo rin akong pulitiko, so 'pag kailangan kong umalis o may puntahan dahil sa politics…' So supportive naman kami sa isa't isa."


Sunod na tanong namin kay Ms. D, hindi ba siya na-encourage na pasukin din ang politics since ang kanyang mister ay isa ngang pulitiko?


"Ayoko. Ayokong pasukin ang politics kasi kung sinasabi nga nila sa showbiz, maraming plastic, mas maraming plastic sa politics. Du'n talaga ang sobraaaang plastic. Kaharap mo na, niyayakap ka pa, everything, tapos 'yun pala, 'yun 'yung mole. 'Yun pa ang magpapabagsak sa 'yo," diretsong sabi ng aktres na may mataray na image pero napakabait naman daw in real life, ayon na rin kay Ms. Ness (Alma) na kasama nga niya rito sa sitcom na Kalye Kweens.


Dating magkaibigan ang role nila sa sitcom na dahil sa ilang sitwasyon, nagkaroon ng 'friendship over' hanggang sa mauwi na sa bardagulan.


Samantala, kung si Dina ay happy ang love life sa piling ng mister na si DV Savellano, inamin naman ni Alma Moreno na ang time niya ngayon ay nakalaan sa charity works bukod sa pagtanggap pa rin ng acting projects sa TV tulad nga nitong Kalye Kweens.


Pero kung matutuloy daw ang barangay elections, tatakbo siyang kagawad under sa manugang niyang si Jenny Salimao Quizon, asawa ni Vandolph, na ngayon ay chairman sa isang barangay sa Parañaque.


Sanay na raw si Ness sa pagtulong at nasa sistema na niya 'yun kaya hindi niya maiwanan. Kaya okay lang din naman daw sa kanya na wala siyang karelasyon ngayon.


Although, hindi naman niya idinenay na marami pa ring nanliligaw sa kanya, kaya lang, hindi raw niya maramdaman 'yung 'spark' kaya wala pa siyang sinasagot.


At kung sakali man, hanggang boyfriend na lang daw siguro dahil wala na siyang balak na magpakasal uli.


"No way, never again," nga ang sabi niya nang matanong namin.


Anyway, nakakatuwa ang tandem nina Dina at Alma sa Kalye Kweens dahil bagong chemistry ito at napakanatural ng mga acting nila kaya ang sarap panoorin.


Abangan ang riot na bardagulan sa Kalye Kweens simula ngayong Oktubre 1 at tuwing Sabado sa TV5, 8:30 PM pagkatapos ng Oh My Korona, at tuwing Linggo, 8:00 PM sa Sari Sari Channel (available sa Cignal Channel 3, SatLite Channel 30 at Cignal Play).

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page