top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Hanggang bati lang sa birthday ng aktor... JULIA, 'DI PA RIN KAYANG AMININ ANG RELASYON NILA NI COCO

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 2, 2020
  • 1 min read

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | November 2, 2020




Birthday kahapon (November 1) ni Coco Martin. Isa sa mga bumati ay ang rumored girlfriend niyang si Julia Montes na ipinost nito sa kanyang Instagram account.


Walang caption ang greetings ni Julia kundi picture lang ng guwapong si Coco na ngiting-ngiti ang kanyang ipinost at may emojis ng gift, red heart at birthday cake.


Maraming natanggap na komento si Julia mula sa mga kaibigang celebrities na bumati rin ng happy birthday kay Coco.


Isang IG user, si @iamratedkay, ay ganito ang komento, “Walang tatalo sa greetings nyaaaa ehhh! Yeahhh ahhahaha!”


Hindi lahat ng komento ay mababasa sa comment section ng post ni Julia dahil limitado lang sa kanyang mga kaibigan kung sino ang puwedeng magsulat at mag-comment.


Hanggang ngayon, tikom pa rin ang bibig ni Julia kapag may nagtatanong sa tunay na relasyon nila ni Coco.


Walang denial o confirmation kapag siya ay natatanong kundi ngiti lang ang sagot ng aktres.


Maging si Coco ay gayundin naman, never nagsalita o kinumpirma ang matagal nang nababalitang relasyon nila ni Julia.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page