Hanep talaga ang misis mo, Manny… JINKEE, MAGGO-GROCERY LANG, NAKA-GUCCI, LV AT HERMES PA
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | July 26, 2022

Nasa Los Angeles, California si Jinkee Pacquiao para bisitahin ang anak na si Jimuel na ru'n naninirahan ngayon para i-pursue ang boxing career.
Idol kasi ni Jimuel ang amang si Pambansang Kamao Manny Pacquiao at gusto niyang makilala sa buong mundo tulad nito.
Sa Instagram ni Jinkee, ipinost niya ang kanyang mga OOTD photos sa bawat pinupuntahan niya habang nasa LA.
Bagama't sanay na ang mga tao kay Jinkee na umaabot sa milyon ang suot nitong mga branded na gamit, hindi pa rin maiwasang ma-amazed ang ilang netizens dahil imagine, kahit sa paggo-grocery lang ni Jinkee, umabot sa mahigit P200K ang kanyang OOTD mula sa damit, sandals, bags, accessories, etc..
Tulad nu'ng mag-grocery siya last July 18, nakitang suot niya ang isang Gucci 1921 vintage logo-embroidered oversized t-shirt na nagkakahalaga diumano ng PHP43,167.04.
Tinernuhan niya ito ng Louis Vuitton Monogram motif wrap shorts in deep green na nasa PHP75,179.69 daw ang presyo, ayon sa brand official website.
Ang kanya namang black Celine Triomphe leather belt ay PHP26,798.31 ang halaga.
Para sa kanyang sapin sa paa, suot ni Jinkee ang kanyang Hermès Oasis suede heeled slide sandals na worth PHP39,064.87.
Bukod pa riyan ang kanyang Dior "Pixel Zodiac" Mini Book tote na for sure ay daanglibo rin ang halaga kundi man milyon.
Kaya kung susumahin ang OOTD ni Jinkee sa pagpunta sa grocery, mahigit P200 K lang naman ang kabuuan ng suot ng misis ng Pambansang Kamao.
Bongga!!!





Comments