Handler ng aktres, nagsalita na… JULIA AT GERALD, ‘DI TOTOONG BREAK
- BULGAR

- May 28, 2025
- 2 min read
ni Nitz Miralles @Bida | May 28, 2025
Photo: Julia Barretto at Gerald Anderson - IG
May paglilinaw sa isyung breakup nina Julia Barretto at Gerald Anderson, fake news daw ito at ibig sabihin, hindi totoo. Kung hindi totoo ang balita, lumalabas na sila pa rin.
Nasundan ang paglabas na fake news ang breakup sa pagde-deny ng handler ni Julia sa Viva Artists Agency na dinelete ng aktres ang mga photos nila ni Gerald sa kanyang Instagram (IG). Intact pa rin daw ang photos ng dalawa sa IG ni Julia.
Upon checking Julia’s IG, may one photo post siya na sila ni Gerald at three photos ang laman ng naturang post. Kuha ang photos sa bakasyon nila sa France noong 2023.
Mas maraming photo post si Gerald na magkasama sila ni Julia at may solo pics pa ng aktres. Kaya lang, pareho silang walang recent photo post at may rason naman siguro.
Sabi nga ng mga fans, hindi mahilig mag-post ng mga ganap nila ang dalawa, so be it.
Birthday ni Ricky Davao sa May 30. Kung buhay pa sana ang aktor sa kanyang kaarawan, 64 years old na siya.
Sigurado namang kahit wala na ang aktor, ise-celebrate pa rin ng kanyang pamilya ang kanyang kaarawan.
Nakadama ng lungkot ang nakabasa sa post ng anak ni Ricky na si Rikki Mae na ang sabi ay: “I miss my dad: Sometimes it feels like nasa taping lang s’ya, busy sa pagdidirek.”
Para siguro manatiling buhay sa alaala ang ama, ang ginamit na photo ni Rikki Mae kay Ricky ay ‘yung nasa taping ito at nakangiti.
And speaking of Ricky, sa pelikulang Sinagtala siya huling napanood at sa telebisyon, ang Encantadia The Last Chronicles: Sang’gre (ETLC) ang last project niya. Nakapag-taping pa ang actor-director ng kanyang mga eksena bago siya naospital.
ANG pangako ni Vic del Rosario, chairman and CEO ng Viva Communications, ay gagawing multimedia star si Jayda Avanzado ngayong nasa Viva Artists Agency na ang singer-actress.
Nagbigay ng timetable si Boss Vic na bago siya mag-retire ay natupad na ang kanyang pangako.
Alam ni Jayda na kapag sinabi ni Boss Vic ay mangyayari and she’s up to the challenge. Ilang beses nitong sinabi ang “I’m very grateful for the trust and I’ll do my best.”
Nabanggit ni Boss Vic na hinintay nila si Jayda for 12 years, kaya lang sa ibang management company ito pumirma ng kontrata.
Ngayong nasa kanila na ito, tuloy ang plano to make her another Sharon Cuneta, Sarah Geronimo and Regine Velasquez na magaling at sikat na singer-actress. Honored si Jayda na maihilera sa mga nabanggit.
Pumirma ng publishing and recording contract sa Viva Records si Jayda in collaboration with UMG Philippines at co-management contract with VAA. Sila ang magtutulung-tulong at magpu-push na matupad ang dream ni Jayda na maging Multimedia Star.
Ang expertise ng Viva Entertainment ang sinabing rason ni Jayda to sign up with VAA, kasama na ang kagustuhang maging active sa acting habang nagpo-focus din sa kanyang music career.
And speaking of Jayda, as a singer and actress, she has the voice and the looks to make it even bigger. Plus, ang gaganda ng songs nito gaya ng Bida at Aksyon which she performed sa kanyang contract signing.










Comments