top of page
FRANKLY - ANAK NI PATRICK, LALONG NA-BASH AT NA-BULLY-IG _onlypatrickgarcia.jpg

Halos 200 dayuhan, sinita sa anti-scam operasyon sa Zamboanga Sibugay

Writer: BULGAR
BULGAR
8 hours ago
1 min read

by BRO @News | October 2, 2026



Anti-scam operations sa Zamboanga - Photo by the Philippine Army’s 1st Infantry Division

Photo: The Philippine Army’s 1st Infantry Division



Halos 200 dayuhan ang sinita ng mga awtoridad sa isinagawang operasyon laban sa umano’y cyber scams at paglabag sa immigration laws sa Alicia at Siay, Zamboanga Sibugay.


Kabilang sa iniimbestigahan ang posibleng koneksyon ng mga dayuhan sa mga organisadong grupo ng cyber fraud. Narekober din sa operasyon ang tinatayang 2,000 cellphone, computer, laptop at iba pang electronic devices.


Sinusuri ngayon ng NBI at Bureau of Immigration ang kanilang mga papeles at posibleng pananagutan.


Tinitingnan din ng mga awtoridad kung may ilan sa mga dayuhang ito na biktima ng human trafficking, sapilitang pagtatrabaho at ilegal na recruitment.


Ayon sa militar, poprotektahan ang karapatan ng mga dayuhan habang isinasagawa ang imbestigasyon at bibigyan ng due process ang mga mapapatunayang lumabag sa batas.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page