top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Hallasgo, pilak at Salano bronze sa Pattaya Marathon

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 28, 2023
  • 2 min read

Updated: Jul 29, 2023

ni Anthony E. Servinio @Sports | July 28, 2023



Nag-uwi ng bagong karangalan sina Christine Hallasgo at Richard Salano sa katatapos na 2023 Amazing Thailand Pattaya Marathon noong Hulyo 23. Nakamit ni Hallasgo ang pilak habang tanso si Salano sa Half-Marathon o 21.1 kilometro sa gitna ng matinding kompetisyon mula sa mga mananakbong galing ng Silangang Aprika.


Dinaig si Hallasgo ni Gebeyu Adbaru ng Ethiopia na umoras ng 1:21:07 o 27 segundo ang lamang kay Hallasgo na 1:21:34. Malayong pangatlo si Ornanong Wongsorn ng Thailand sa 1:26:09 habang pasok sa Top Ten sina Nhea Ann Barcena na ika-lima sa 1:29:06 at Cherry Andrin na pang-anim sa 1:32:11.


Sa kalalakihan, nanaig si John Muiruri ng Kenya sa 1:09:40 laban kay Thai Sanchai Namkhet na 1:09:51. Tinalo ni Salano (1:12:04) si Kebede Aberra Dinke ng Ethiopia (1:12:46) at sinundan sila ng tatlong Pinoy sa Top Ten na sina Prince Joey Lee (1:13:02), Jason Padayao (1:13:22) at Dhem AJ Monton (1:15:06) habang ika-12 si Arlan Arbois (1:19:00).


Dinomina ng Ethiopia ang main event na Marathon o 42.195 kilometro sa likod nina kampeon Bililign Yimer (2:22:27) at mga kababayan Ebisa Takele (2:25:10) at Wendwesen Tilahun (2:30:15) habang pang-apat si Victor Kipkemei Chepkwony ng Kenya sa 2:25:08.


Si Pinoy James Kevin Cruz ang pinakamabilis na Asyano na ika-lima sa oras na 2:45:55 at ika-anim si Florendo Lapiz na 2:45:55.


Taga-Ethiopia din ang kampeon ng kababaihan Tsega Desta na tinapos ang ruta sa 2:56:28 at pitong segundo ang agwat sa kababayang si Marta Tinsae Birehan (2:56:35) at pangatlo si Miriuki Shelmith Nyawira ng Kenya sa 2:58:13. Tatlong Pinay ang napabilang sa Top Ten na sina Maricar Camacho (ika-anim, 3:19:44), Jennelyn Nobleza (ika-pito, 3:21:35) at Lizane Abella (ika- siyam, 3:34:24). Ang paglahok ng mga Pinoy ay bahagi ng kanilang gantimpala mula sa Run 7-Eleven noong Pebrero.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page