First time raw nagpaka-daring… HALIKAN NINA ANDREA AT JAKE, NAKA-3 MILLION VIEWS AGAD
- BULGAR
- Mar 6
- 3 min read
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | Mar. 6, 2025
Photo: Sina Andrea at Jake sa Batang Quiapo
Mainit na pinag-usapan sa social media ang mapangahas na karakter ni Andrea Brillantes sa bagong yugto ng FPJ’s Batang Quiapo (BQ), kung saan nakakuha ng tatlong milyong views sa loob lamang ng 24 oras ang mapusok na eksenang nakasuot siya ng sexy dress habang nakikipaghalikan sa karakter ni Jake Cuenca.
In fairness, worth it naman ang desisyon ni Andrea na sumabak sa isang palaban na karakter, na aniya’y malayung-malayo sa mga papel na ginampanan niya noon.
“Mas daring s’ya compared sa iba kong mga roles. Mas level-up s’ya and mature. Personal decision ko na gawin ‘to. This is my first time doing something na physically intimate. This is a new path for me and alam ko naman na aalagaan ako rito sa Batang Quiapo,” sabi ng aktres sa isang TV Patrol (TVP) interview.
Patok din sa mga manonood ang unang pasilip sa magarbong buhay ng mga yayamaning karakter nina Angel Aquino, Albert Martinez, Dante Rivero, Chanda Romero at Celia Rodriguez.
Naiintriga ngayon ang mga netizens kung ano nga ba ang magiging papel ng mga bagong karakter sa buhay ni Tanggol (Coco Martin), lalo na’t nagsisismula na ito ng bagong buhay bilang tagapagmana ng mga kayamanan ng pamilya Montenegro.
Napapanood ang BQ, na hango sa orihinal na kuwento ng Regal Films, gabi-gabi, 8 PM sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, iWantTFC, at Kapamilya Online Live.
“Bittersweet,” ang deskripsiyon ni Zsa Zsa Padilla sa kanyang naramdaman habang nagpi-pictorial sa iconic ABS-CBN tower na nakatayo sa loob ng ABS-CBN Broadcasting Center in Sgt. Esguerra Avenue corner Mother Ignacia Street, Quezon City.
Ibinahagi ng Divine Diva sa kanyang Instagram ang larawan niya na nakatayo sa harap ng millennium transmitter ng ABS-CBN at sa caption ay ginunita niya ang mahahabang taon ng pananatili niya sa network at mga pagbabagong nasaksihan sa ABS-CBN compound mula noon hanggang ngayon.
“I’ve witnessed the many transformations of the ABS-CBN compound over the years. When I was beginning my singing career in 1983, the space was still used by PTV 4, and I vividly remember promoting my songs in one of the studios. The ELJ building we know today was just a parking lot back then,” simulang pagre-recall ng singer.
“During the Aquino administration, ABS-CBN reopened its doors, and I had the privilege of doing a musical special for a season. Then came a grand new chapter—shows like Home Along da Riles, Palibhasa Lalake, and The Sharon Cuneta Show marked the network’s resurgence, bringing unforgettable moments to Filipino households,” patuloy niya.
“In 1996, I became a regular on ASAP, and from that moment on, the show became part of my life,” aniya.
Inamin ni Divine Diva na nakaramdam siya ng lungkot habang nagpi-pictorial sa harap ng ABS-CBN tower knowing na baka wala na ito sa kanyang pagbabalik.
“Fast forward to the present, and standing with my ASAP family at the iconic ABS-CBN tower for Patrol the other night, I couldn’t help but feel a deep sense of melancholy. This place holds decades of history, memories, and milestones—not just for us, but for everyone who grew up watching.
“Knowing that the next time we return, the tower may no longer be there, makes this moment even more bittersweet,” sey ni Zsa Zsa.
Nauna rito ay nag-post na rin ng pamamaalam ang mag-asawang Ogie Alcasid and Regine Velasquez sa ABS-CBN tower.
“We say farewell to a Tower of strength and a Tower that served the Filipino (heart and Philippine flag emoji),” caption ni Ogie.
Napapabalitang ibinenta na ng ABS-CBN ang malaking bahagi ng compound sa Ayala Land, Inc. at kasama umano sa mga nabenta ang kinalalagyan ng iconic tower.
Comentários