Habang tumatagal, mas lumalala pa ang sitwasyon, tsk!
ni Ka Ambo - @Bistado | April 24, 2021
Isa ang namatay habang nakapila sa community pantry.
Malungkot na eksena!
◘◘◘
PILA-BALDE ang nake-cremate na bangkay ng COVID patient sa India.
Kapos na ang supply ng panggatong na kahoy sa New Delhi!
◘◘◘
SA India, ginagawa ang bilyun-bilyong dosage ng COVID vaccine.
Hindi kaya nagkaroon ng leak sa mga laboratory?
Walang nagpapaliwanag!
◘◘◘
TULIRO na ang gobyerno at panic.
Hindi mapigil ang pagguho ng ekonomiya!
◘◘◘
MAY mga nagtatangkang magbukas ng negosyo upang maging self-employed, pero nagsasarado rin agad dahil walang customer at kliyente.
Lahat ng airlines ay nalulugi!
◘◘◘
NALULUGI rin ang mga 24/7 convenience store.
Lugi rin ang mga fast foods at karinderya.
Paano mareresolba ‘yan?
◘◘◘
KAHIT alisin ang lockdown, makakaahon ba sa pagkalugi ang nagsaradong negosyo sa isang araw lang?
Kapag “patay” ang negosyo, “patay” talaga ‘yan.
Walang “patay” na nabubuhay!
◘◘◘
ANG COVID ay matatalo o malulunasan ng bakuna.
Pero, paano mabubuhay ang nagsaradong negosyo?
◘◘◘
NAPAKARAMING walang trabaho ngayon.
Mas malala ang sitwasyon ngayon—kaysa last year—nang magsimula ang pandemic.
Ang epekto ng COVID—ay sa taong ito mararanasan!
◘◘◘
DATI-RATI ay mabibilang lamang sa daliri ang namamatay o naoospital.
Pero, ngayon—ang post sa social media ay palaging may “kandila” ang photo profile!
◘◘◘
HINDI lang ang COVID ang sanhi ng pagkamatay ng mga tao sa ating paligid.
Mas marami ang namamatay sa “stress” at “depression”!
◘◘◘
MARAMI ang hindi makatulog, marami ang hindi makakain.
Marami ang nanghihina at wala sa kondisyon.
Paano kaya ‘yan?





Comments