Habang taghirap daw ang buhay… AGOT, TODO-PARINIG NA PASARAP SI P-BBM SA SINGAPORE
ni Julie Bonifacio - @Winner | October 4, 2022

Viral na naman ang singer-actress na si Agot Isidro sa social media kahapon. Pinag-usapan ng mga netizens ang controversial tweet ni Agot na may kinalaman sa klase ng buhay na meron ang mga Pinoy sa panahon ngayon.
Bagama't wala namang binanggit na anumang pangalan si Agot, gets agad ng mga netizens ang tinutukoy ng singer sa post niya sa kanyang Twitter account.
Tweet ni Agot, "Mag-ipon-ipon na. Alam n'yo na, taghirap. Habang ang iba, pasarap."
Reply ng mga netizens sa tweet ni Agot…
"Pasarap somewhere in singgalingpore."
"Grabe na talaga, kahit sino, ramdam at apektado, walang pinipili, mayaman man o mahirap, mas lalo pa 'yung mga mahihirap na kadalasan, sila pa 'yung ibinoto ang mga corrupt."
"Sabi ko nga, mas may karapatan pa mga trolls magbakasyon, eh. Kasi, kahit Sunday, nagtatrabaho. Pero 'yung bossing, nakiki-weekend."
Ang tinutukoy ng mga netizens ay ang balitang pagpunta sa Singapore ni Pres. Bongbong Marcos kasama ang anak na si Sandro Marcos last Sunday.
Nag-trending din sa socmed ang picture ni Sandro kasama ang nababalitang girlfriend nito at leading lady ni Empoy Marquez sa bagong sitcom ng NET25 na Ano'ng Meron Kay Abok? na si Alexa Miro.
As expected, umani rin ng pamba-bash si Agot sa reply section ng tweet niya at tinawag pa siya ng kung anu-ano'ng 'di magagandang salita.
"Hindi ko ramdam. Mabenta pa rin (ang) alak sa tindahan ko, eh. Bitter ka lang. May masabi lang."
"So? Ano'ng dyina-justify mo sa statement mo?"
"Ok, baog."
"Haha. Hampaslupa!"
Grabeee! May netizens din ang naghahamon kay Agot na tumakbo sa susunod na halalan. Sure raw na 'di mananalo si Agot.
But what if manalo? Kayo rin, minsan, mapagbiro ang tadhana, 'noh?!





Comments