top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Habang nasa South Korea… SHAINA, BUNTIS DAW KAY PIOLO

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 13, 2023
2 min read

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | October 13, 2023



Kumalat ang balitang buntis si Shaina Magdayao base raw sa ipinost nitong larawan ng ultrasound result sa kanyang Instagram account.


Ilang beses naming binalikan para i-check ang post na ito ng bunsong kapatid ni Vina Morales pero hindi namin makita. Either binura na o baka gawa-gawa lang ng mga netizens saka ini-screenshot.


Believable nga naman ang caption para sa iba kung hindi nila personal na kilala si Shaina.


Ang nakalagay kasi ay: “Hello world! I sit here emotional as I write this because I can finally say the words that at one point I didn’t know if I would ever get to say. WE’RE HAVING A BABY! See you my little bub! Maraming salamat sa aking mga kaibigan at pamilya! I wouldn’t have made it through my darkest days without you all. Maraming salamat din sa walang sawang suporta ng aking mga fans! Thank you guys (emoji heart).”


Idinikit ng website na naglabas ng larawang ito ang picture ni Piolo Pascual at ikinabit din ang video na magkasama at ka-holding hands ni Shaina ang aktor sa nakaraang ABS-CBN Ball 2023.


Sa kasalukuyan ay may kulang 100,000 na ang nag-like at nag-heart nito, 3,200 comments at kulang 2,000 shares.


Isa-isa naming binasa ang mga komento at iisa ang sabi nila na natutuwa sila for Shaina at Piolo at bagay na bagay silang dalawa.


In FAIRNESS, walang nagsabi ng negatibo sa dalawa. Ibig sabihin ay boto ang lahat sa kanila.


But sad to say, itinanggi ito ni Shaina habang nasa South Korea siya para dumalo sa 28th Busan International Film Festival para sa pelikula niyang Essential Truths of the Lake.


Aniya sa post niya sa kanyang IG Stories, “Sooo, been getting messages from family and friends for days now about some FAKE NEWS that’s going around back home. My goodness, I am nooooooot pregnant, people! Will never deny if I were since I’m already of age, 'noh! But noppe, I ain’t preggers!! Cheers from Busan!”


Bago namin nakita ang denial ni Shaina ay nauna na naming tinanong ang Ate Vina Morales niya.

“She answered na sa IG Stories niya, Reg, hindi totoo, he, he, he! Pero wish ko ‘yan sa kanya, he, he, he! Goodnight from New York!”


Kasalukuyan kasing nasa New York City, USA ang singer-actress para sa Broadway debut na disco musical titled Here Lies Love na nagsimula noong Setyembre 22, 2023.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page