top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Habang nasa ibang bansa… DAWN, MARAMING BANTAY SA ASAWANG SI ANTON

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 19, 2023
  • 2 min read

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | August 19, 2023



“All is well that ends well” na ang relasyon ni Dawn Zulueta at ng asawang Special Assistant to the President na si Ginoong Anton Lagdameo.


Ayon sa aming source, dapat pala ay lilipad si Ginoong Anton patungong US para sa kanyang angioplasty operation, pero sa hindi malamang dahilan ay hindi siya natuloy at siyang dating naman ni Dawn sa Pilipinas.


Sitsit pa sa amin na nagkausap daw nang maayos ang mag-asawang Dawn at Ginoong Anton kaya okay na sila at napatunayan ito nang dumalo sila sa isang exhibit kamakailan na ipinost din naman ng aktres sa kanyang Instagram account.


Matatandaang nabalitang ‘naghiwalay’ na sina Dawn at Ginoong Anton dahil may babae diumano na laging nakabuntot kahit saan magpunta ang huli, pero hindi naman tuluyang naghiwalay ang dalawa.


Nabanggit pa ng aming source na parating nasa opisina ni SAP Anton ang gurl na kahit hindi naman kasama sa mga lakad ay laging nakabuntot na talagang nagpipilit dumikit.


Lahat ng mga nangyayaring ito ay alam daw mismo ni Dawn na nasa Amerika that time dahil ang nagpaparating sa kanya ay galing din mismo sa loob ng Malacañang. Pero, nanatili siyang tahimik at hindi nagpaapekto sa tsismis.


“The whole time na nandito si Ms. Dawn, hindi nakita ang anino ni gurl sa bahay nina SAP Anton, as in, kasi off-limits siya. Siguro, sinabihan kung sinuman ang katsika niya. Pero halos lahat ay ayaw sa kanya kasi feelingera,” sabi ng aming source.


Dagdag pa, “Syupal nga ni gurl kasi alam naman niyang maayos ang pamilya ni SAP Anton, ginugulo niya. Bakit hindi na lang siya mag-concentrate sa pamilya niya? Saka, itong si gurl, may isyu na rin dati sa ibang cabinet member naman, ganito rin ang ginawa, basta may pakinabang siya.”


Anyway, bumalik na ulit ng Amerika si Dawn noong Agosto 12 kasama ang anak na si Jacobo na mag-aaral na ng kolehiyo sa Fordham University, New York City at nag-viral naman ang video na napanood namin na inihatid sila ni SAP Anton at anak nilang babae na si Ayisha at nag-kiss pa ang mag-asawa.


Base sa video ay maayos ang mag-asawa at hindi totoong hiwalay na.


“Oo, okay na sina Dawn at SAP Anton, pero dahil wala na namang bantay, baka itong si gurl ay um-enter na naman, pero kwidaw siya dahil maraming CCTV sa loob at labas ng Malacañang at sa bahay nina Dawn at anything na may alam mo na, ilalabas na ito sa social media kaya lagot si gurl. Kung gusto pa ni gurl i-save ang name at career niya, umiwas-iwas siya sa mga camera, hahahahaha!” tumawang sabi ng aming source.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page