top of page
Search
  • BULGAR

Habang nagse-surfing ang magdyowa… LIZQUEN, SINUNDAN NG MGA FANS SA GITNA NG DAGAT

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | January 14, 2021




Kinuyog sina Liza Soberano at Enrique Gil ng mga fans nang mabalitaang nagbabakasyon sa Siargao ang magdyowa.


Sa nasabi ring isla nagselebreyt ng ika-23 kaarawan ang magandang aktres.


Ibinahagi ni Liza ang mga kuha nilang larawan ni Enrique at ng kanyang pamilya.


Sa mga photos na makikita sa social media account ni Liza ay hindi maitatago ang kaseksihan ng Kapamilya actress.


Kinunan din ni Liza ang magagandang tanawin sa Siargao at nilagyan niya ito ng caption, “Exploring our beautiful country, one island at a time.”


Pinasalamatan din ni Liza ang Department of Tourism dahil ang sangay ng ahensiya ang naging daan kaya nakapag-travel sila ni Enrique kasama ang kanyang pamilya.


Ang mga kalapit na isla ay nagpuntahan sa Siargao para lang makita nila ang hinahangaang LizQuen.


Aba, maging nang kumakain na sila sa isang private restaurant, maging ang mga turistang nandu'n ay nabighani sa kagandahan ni Liza.


Ang nakakalokah, habang nagse-surfing na ang LizQuen, ang ilang fans ay nakasunod pa rin sa kanila gamit ang surfboard kahit nasa kalagitnaan na sila ng dagat. Hahaha!

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page