Habang nagpoproseso... Green card applicants sa U.S., pauuwiin sa pinagmulang bansa
- BULGAR

- 7 hours ago
- 1 min read
ni BRT @Overseas News | May 24, 2026

Photo: Donald Trump - Al Jazeera
Inanunsyo ng Trump administration nitong weekend ang malaking pagbabago sa immigration policy ng Estados Unidos.
Sa ilalim ng bagong patakaran, ang mga indibidwal na may temporary visas na nais mag-apply ng green card ay kinakailangang bumalik muna sa kanilang sariling bansa upang dumaan sa consular processing.
Dati, pinapayagan ang mga aplikante na magsumite ng adjustment of status habang nasa loob ng U.S., lalo na ang mga asawa ng U.S. citizens at kanilang mga anak.
Sa bagong sistema, ang aplikasyon ay dadaan na sa mga embahada o konsulado ng U.S. sa labas ng bansa.
Tinatayang maaapektuhan ang mahigit isang milyong aplikante na kasalukuyang naghihintay ng kanilang green card.
Ayon sa U.S. Citizenship and Immigration Services (USCIS), tanging sa “extraordinary circumstances” o kung may malaking economic benefit sa U.S. papayagan ang adjustment of status sa loob ng bansa.
Mariin naman itong tinutulan ng mga immigrant advocates at ilang mambabatas dahil maaari umano itong magdulot ng family separation at dagdag-abala sa mga aplikante.





Comments