top of page

Habang nagpapraktis ng Magpasikat… KIM AT DARREN, ISINUGOD SA OSPITAL

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 20, 2024
  • 3 min read

ni Julie Bonifacio @Winner | Oct. 20, 2024



Photo: Kim Chiu - Darren Espanto - FB IG


Isinugod sa ospital ang It’s Showtime (IS) hosts na sina Kim Chiu at Darren Espanto.

Nag-post si Darren ng larawan niya habang nagpapatingin sa isang room sa loob ng ospital na may nakalagay na Radiology. Ishinare ni Darren sa kanyang IG Stories ang nangyari sa kanila last October 17.


Makikita sa post ni Darren na nakabalot ang kanyang arm ng bandage. At the same time, nag-post din siya ng thumbs-up sign.

Caption ni Darren, “Itinodo masyado sa training for Magpasikat 2024.”


Habang si Kim naman ay nag-post din sa kanyang socmed (social media) accounts ng piktyur ng loob ng isang ambulance van.


Say ni Kim, Magpasikat realness.”


So, alam na kung bakit isinugod sa ospital sina Darren at Kim. May kinalaman ang pagkakaospital nila dahil sa rehearsal ng nalalapit na competition nila sa Magpasikat para sa anniversary ng It’s Showtime.

Hopefully, okey na okey talaga sila sa mismong araw ng laban nila.



INAMIN ni Sylvia Sanchez na hiniling niya sa kanyang mga anak na magkaroon ng apo sa edad na 50.


“Eh, 53 na ako saka ako binigyan. At least, nasa 50 plus pa rin,” bungad ni Sylvia sa eksklusibo naming panayam sa kanya sa grand launch ng Belle Dolls ng Beautederm sa Novotel sa Cubao, Quezon City last Wednesday.


Hindi raw siya nag-wish kung babae o lalaki ang gusto niyang maging unang apo, basta kung ano raw ang ipagkaloob ng Diyos na baby at healthy. Nangyari nga ‘yan sa firstborn ng anak niyang si Ria Atayde at mister nito na si Zanjoe Marudo.


Tinanong namin si Sylvia kung ano ang partisipasyon niya sa kanyang apo.

“Mang-spoil,” tawa ni Sylvia. 


Pahayag niya, “Mang-spoil lang. Ganu’n talaga. Disiplina, lahat ‘yan, pagpapalaki ng anak, sila ‘yan. Pero ‘pag may nakita akong mali, sasabihan ko rin ang baby. Tutulungan ko sila ‘pag nasa akin. 


“Taga-spoil lang ako, ‘di ako nakikialam sa kanila. Hinahayaan ko sila sa diskarte nila. Kung ano ang gusto nila, bahala sila.”


Pumupunta raw sila sa bahay nina Ria at Zanjoe kapag weekend. Kuwento pa ni Sylvia, masaya raw si Ria bagama’t may problema ito sa kanyang katawan noon pa man. 

“Pero, sobra s’yang ano, sobrang hands-on s’ya na mom. Tinalo n’ya ako,” ngiti ni Sylvia.


Namana raw ni Ria ang pagiging matiyaga ni Sylvia.


“Lahat naman, eh. Matiyaga, maasikasong nanay,” pagmamalaki ni Sylvia kay Ria.

Humingi kami kay Sylvia ng kaunting description sa hitsura ng kanyang first apo.

“Guwapo,” diin niya. 

“Ehhh,” bitin na dugtong niya na animo nagpi-fish kami ng information from her kaya tumigil na si Sylvia.


At lalong ‘di raw siya puwedeng maglabas ng piktyur.


“Sa kanila ‘yun. Hindi sa ‘kin,” sambit pa niya.


Tapos ay humirit na lang kami ng tanong kung kanino kamukha ang first apo niya.

“Kamukha ni Zanjoe na kakulay ni Arjo pero nagri-Ria rin. Kulay ng mga Atayde (na lahi ng father side ni Ria, ang kanyang ama na si Art Atayde),” paglalarawan ni Sylvia.


Sa huli, sinabi ni Sylvia sa amin na pinasalamatan niya si Zanjoe sa ginawa nitong pag-aalaga kay Ria mula sa umpisa ng pagbubuntis nito hanggang sa isilang ang kanilang anak.


“At sinabi ko sa kanya, ‘Thankful ako na ikaw ang napangasawa ng anak ko,’” sey pa ni

Sylvia.


Anyway, isa si Sylvia sa celebrity endorsers ng Beautederm na pag-aari ni Rhea Tan sa grand launch ng bago nilang produkto, ang Belle Dolls.


Ang Belle Dolls ay ang Stemcell Juice Drink (Strawberry Lychee Iced Tea), Chocolate Drink (Dark Chocolate), Vitamin C Capsule, Pure Glutathione Capsule, Collagen Juice Drink (Kiwi, Avocado, Cucumber), at Healthy Coffee (Caramel Macchiato Original Blend).

Para sa iba pang updates, bisitahin ang social media pages ng Beautéderm at Belle Dolls.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page