- BULGAR
Habang kasama ang GF… JOHN LLOYD, TUMANDA, NATUYOT, NAPAGKAMALANG TRIKE DRIVER
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | August 23, 2022

Bumabalik na naman daw sa dati ang pagka-dry looking ni John Lloyd Cruz.
Sa Instagram ni @somethingstarwars na girlfriend ng aktor na si Isabel Santos ay may collage photo siyang ibinahagi kung saan nakasakay sila sa tricycle ni JLC.
Komento ng mga netizens, "Parang napabayaan na ni JL 'yung sarili niya o diyan lang ba sa pic? Parang nawala na 'yung pagiging hot niya."
"Same when he was with Ellen."
"Talagang gawi na niya siguro, walang paki until his next film, ganern."
"Da hu si Isabel Santos? Si JLC ba talaga 'yan o 'yung mga kaloka-like lang niyang nagkalat sa mga social media?"
"Ito 'yung collage na magulo."
"Anyare sa hitsura ni JL d'yan? 'Di bagay hair color, nagmukhang manikurista sa kanto."
"Apo siya ni Malang who is a National Artist. Painter din si ateng and she’s really good," sagot naman ng isang netizen.
"Tumanda na si John Lloyd. Para kasing naging dry ang skin, nasunog."
"OMG! Si JLC ba talaga 'yan? 'Kala ko, siya 'yung tricycle driver."
"Parang mag-ama. Ang tanda-tanda na ng hitsura ni JLC. 'Kaloka!"
Awww! Ano kaya ang masasabi rito ni John Lloyd?