top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Habang dinidinig ang kasong rape… VHONG, NASA NBI PA RIN KAYA FEELING SAFE

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 12, 2022
  • 1 min read

ni Julie Bonifacio - @Winner | November 12, 2022


Waiting na pala si Vhong Navarro and his legal team sa desisyon ng Taguig Regional Trial Court sa apela na makapagpiyansa ang aktor-TV host sa kasong rape na isinampa laban sa kanya ni Deniece Cornejo.


Nagtapos ang pagdinig sa apela ni Vhong sa Taguig RTC Branch 69 pagkatapos ng ika-limang hearing. At ‘yun ay nu’ng mag-testify sa korte si Deniece this week.


Paglabas ni Deniece sa Taguig RTC ay ‘di raw ito nagbigay ng anumang panayam, maging ang kanyang legal team sa media.


Habang si Vhong daw ay nag-request na mag-join sa mga hearing via video conference.


Ayon sa abogado ni Vhong na si Atty. Alma Mallonga, kumpiyansa siya sa mga ebidensiyang ipinrisinta nila sa korte na mapagbibigyan ang request nila na makapagpiyansa ang comedian-TV host.


As of this writing, nakapiit pa rin si Vhong sa National Bureau of Investigation Detention Center sa Manila.


At least, nakakagaan na sa loob ni Vhong, pati na ng kanyang misis na si Tanya at mga anak na sina Yce at Isaiah na nasa pangangalaga pa rin siya ng NBI.


Mabuti naman at ‘di inilipat si Vhong sa Taguig City Jail. Sunud-sunod kasi ang balita ng mga kilalang personalidad na nabiktima ng mga preso sa kulungan.


Nu’ng una ay na-hostage si former Senator Leila de Lima sa Custodial Center ng Philippine National Police sa Camp Crame, Quezon City.


And recently, ang pagpatay kay Percy Lapid, kung saan sinabi ng gunman ng broadcaster na may nag-utos daw sa kanya na “someone from Bilibid.”


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page