Gymnast Yulo, 4th place sa vault; JPS Zamboanga sa semis, wagi sa OT
- BULGAR
- Aug 3, 2021
- 2 min read
ni Gerard Arce - @Sports | August 03, 2021

Nabigong malusutan ni Carlos Edriel Yulo ang ikatlong baytang ng medal podium nang sumablay ang kanang paa sa unang landing niya sa men's vault event sa 2021 Tokyo Olympics kagabi.
Sapat ang iskor na 14.716 ang kanyang naitala sa ikalawang pagsubok dahil naperpekto ang kanyang landing pero nalagay sa 4th place kung saan gold medalist si CJ Shin ng South Korea sa top score na 14.783, habang napunta ang silver medal kay Dennis Ablyazin ng Republic of China at bronze medalist si A. Davtzan ng Armenia.
Samantala, naitakas ng JPS Zamboanga ang makalaglag bagang overtime victory kontra sa No.2 seed Clarin Sto. Nino, 95-93, Lunes ng gabi, upang maka-diretso na sa second round ng semifinals sa Game 2 ng Mindanao leg ng Chooks-to-go Pilipinas VisMin Super Cup sa Plaza Luz Gym, Pagadian City, Zamboanga del Sur.
Ilang mahahalagang puntos ang kinana ni PBA Finals MVP Mark Cardona sa 5-minute extension game na tumapos ng 16 puntos, katulong si NCAA Finals MVP Fran Yu na namuno sa 21pts at 5-of-10 sa three-point area, habang nadiskaril naman ang 25 puntos ni Carlo Lastimosa at 23puntos ni Wilson
May ilang pagkakataon ang Clarin na maagaw o maitabla ang iskor, ngunit ilang magkakasunod na mintis sa free throws at put backs ni Jospeh Eriobu at jump shot ni John Wilson ang naunsyami upang matapos ang kanilang kampanya sa best-of-three semifinals round one.
Makakaharap ng JPS Zamboanga ang magwawagi sa bakbakan ng Roxas Vanguards at Pagadian City Explorers, kung saan, habang sinusulat ang balitang ito ay lamang ang Vanguards sa serye sa 1-0 at nagsasalpukan sa ikalaawang laro.
Ang magwawagi sa semifinal rounds ay dederetso sa Mindanao leg championship round laban sa naghihintay na undefeated na Jumbo Plastic Basilan Peace Riders para sa best-of-three title showdown.
Nabitbit ni Wilson sa overtime period ang laro matapos ang malupit na tres mula Wilson mula sa pasa ni Carlo Lastimosa upang itabla ng Clarin ang iskor sa 84-84 sa nalalabing 11 segundo. May pagkakataon pa na dalhin ni Cardona sa panalo ang JPS Zamboanga mula sa kanyang floating jump shot, ngunit ito’y sumablay.





Comments